U-Play

11/07/2011

Exchange of Hearts 1

Heto na po yung pinangako kong kakambal na kwento nang Without You... Bakit po kakambal? malalaman niyo rin ito habang papalalim ang kwento...

Sana po pareho nang pagtangkilik ninyo sa Without You ay tangkilikin niyo ri po itong bago kong kwento na hinahandog sa inyo.

Exchange of Hearts
by Uri_Kido
This is a story about chances, taking the crossroads in life and looking for that perfect someone to be with for the rest of your life. But life has its countless blessings, blessings that only a person with full endearment could appreciate, blessings that are often neglected by others. Sometimes we want to live our lives the way we want but we can never get through it without the challenges that we would encounter.
This is a story about two persons finding their true self and ending up finding each other.
Chapter 1: Oras
6 O’Clock

Alarm clock rings at the exact same time at two different places. Yung isa nasa isang magarang kwarto, katabi nang queen sized bed na mala hotel room ang dating, yung isa naman nasa isang typical rum nang isang lalaki, medyo messy pero cool.

Pinatay noong nasa magarang kwarto ang alarm clock niya, yung isa naman ay pinindot ang snooze. Tumayo ang may magarang kwarto naka black sando siya na may pajama pants na beige. Pumasok ito nang banyo, yung isa nanatiling tulog, walang pakialam sa buhay.

6:30

Lumabas nang banyo ang binata naka tuwalya lang nakapang ahit na ito at nakapagsipilyo at nakapabango na, Gumising na yung isa dhil tumunog ulit ang alarm.

Kumuha nang polo shirt ang isa, ang isa inukay pa ang cabinet para hanapin ang kanyang favorite superman shirt. Nagsuot nang magarang damit yung una, naligo naman nang mabilisan ang isa bago sinuot ang pang casual na kasuotan.

7:00

Bumaba ang isa para mag almusal sa veranda nang bahay nang mag isa, marami ang handa niya pero tinapay lang at itlog ang kinain nito. Habang ang isa naman ay tinapos ayusin ang sarili bumaba at kumain kasama ang kapatid niyang lalaki na naka school uniform na.

Lumabas na ang una sa bahay niya at sumakas sa kanyang Vios, ang isa naman ay lumabas narin at sumakay sa kanyang motor na second hand.

Sabay nilang binaybay ang kahabaan nang traffic, hindi alintana ang oras nang pagdating nila sa kanilang paroroonan.

Dalawang taong napakalayo nang antas nang pamumuhay na sa iilang sandali lang ay mag-iiba ang takbo nang kanilang kapalaran.

Ang una ay si Carlsen, isang mayamang eredero nang isang multi billon company ditto sa pilipinas, may anking siyang kagwapuhan at hindi alintana na isa siya sa mga Eligible Bachelors of the land. Pero palagi itong bugnutin, parating walang pakialam sa kanino man.

Ang pangalawa ay si Lance, college student palang ito, ginapang nang ina niyang nagtitinda nang cosmetic products sa mga bahay-bahay at ang amang jeepney driver para magkapag-aral, may anking din siyang kagwapuhan gaya nang nauna at katalinuhan kaya siya nagging scholar nang pinapasukang eskwelahan.

7:45

Dumating si Carlsen sa opisina niya, inaabangan siya ni Mildred ang secretarya niyang maganda at sexy.

“Good Morning Sir, I am Mildred, and I am your secretary, you are to proceed to the board room at 8 for the meeting” sabi niya, tama ang narinig ninyo unang araw ni Carlsen sa trabaho. Pero hindi alintana sa kanya ang kaba para sa kung anu man ang nakaabang sa kanya sa loob nang opisina.

Dumating din si Lance sa kanyang eskwelahan, sinalubong siya ni Dennis, ang bestfriend niyang crush nang bayan. “Op, pare, hinintay talaga kita, marami akong ikukwento ngayon tungkol sa nangyari sa amin ni Julia kagabi” Sabi ni Dennis. “panu ka naman magkakaroon nang affair sa kay Julia eh ako ang mahal mo?” Sabi naman ni Lance. Tama nga ang nabasa ninyo alam ni Lance na may pagtingin si Dennis sa kanya pero hindi niya rin naman ito tinugunan dahil magkaibigan silang matalik. “eto naman oh parang hindi mabiro” sabi ni Dennis.

Papasok si Carlsen sa loob nang kanyang lobby lahat ay bumabati sa kanya nang “Good Morning Sir” pero wala itong tugon sa kanila, dirediretso lang ito sa paglalakad papasok nang elevator. Halos marami din ang maaga pang nagpapaflirt kay Lance na di hamak na kasing guwapo ni Carlsen, maag pa ay may pabati bati na sa kanya na kinikilig sa tuwing dadaan ito papuntang Commerce Building.

8:00

Nasa boardroom na ang lahat nang members nang board of directors nang companya pati ang mga stockholders nito. Hinihintay na nang lahat si Carlsen, nandoon narin ang ina niyang si Luisa delos Santos-Montenegro.

“May I all present to you the new President and C.E.O. of Montenegro group of Companies, Mr. Carlsen Andrew Montenegro” sabi nang isang lalaki na agad namang tumayo sa katabi ni Donya Luisa. At pumasok si Carlsen nang buong galak at pananabik.

Si Carlsen Andrew Montenegro, anak nina Felix at Luisa Montenegro, Isa sila sa pinaka mayamang angkan sa buong pilipinas. Kasama sa Elite circle nang mga negosyante sa bansa. At ngayong araw na ito ang kanyang 21st Birthday at dahil doon pinangalan na sa kanya ang buong kumpanya sa kadahilanang hindi pa bumabalik at kasalukuyang nawawala ang ama nitong si Felix Montenegro. He has been the sole heir of luxury hotels and resort. Buong buhay niya yun ang tanging focus niya, yung maging proud ang pamilya niya sa kanya.

Namulat si Carlsen sa marangyang buhay, na hindi kailanman naghirap at nagdusa. Pero sa luob luob niya marami ang kulang, marami ang pagdududa, marami ang kasinungalingan.

“It will be a pleasure working with you guys. I know my father will be so proud of me. Wherever he is now I wish he was here to guide me. But then again life must go on. At nandito ako para sa inyo at alam kong nandiyan din kayo para sa akin.” Paunang bati ni Carlsen sa mga kasama. At nag-umpisa ang kanilang meeting sa mga bagong development nang companya na iprinisenta nila sa batang may-ari.

8:30

“Mga kaklase did aw makakarating si Prof. May mahalagang meeting daw ngayong umaga wla na raw tayong klase” Sigaw nang isang kaklase ni Lance. Graduating student ito at medyo nangungulelat sa klase pero pursigido at napakamasipag mag-aral, bakit siya nagungulelat? Dahil kabilang siya sa star section at lahat doon ay nag cocompete sa mataas na marka kaya nahilera parin ito sa talagang matatalino.

“Lance, patawag ka ni Dean sa office about siguro sa proposal mu sa College Activity natin.” Pahabol nung nag announce niyang kakalase. “Samahan na kita, basta samahan mu ako mamaya ha” sabi sa kanya ni Dennis. “Sure pare, no problem ako diyan.” Masayang sabi ni Lance.

Simplang bata lang si Lance, matulungin sa ina at sa amang umaruga sa kanya,alam niyang Ampon lang siya matagal na pero lubos ang pasasalamat niya sa mga taong umaruga sa kanya mula pagkabata at hindi nagpakita sa kanya nang kalupitan at kababaang asal. May dalawang bagay lang na hangad si Lance; una aya ang makita at makilala ang tunay niyang pamilya at pangalawa ay ang makapagtrabaho sa Villa Montenegro bilang isa sa administrative staffs nito. Maraming kuwento ang nabangit sa kanya nang kanyang mga magulang tungkol sa haciendang ito duon daw kasi sila nagtatrabaho noon.

“Lance Mercado, maupo ka at may pag-uusapan tayo” Sabi nang Dean pagpasok ni Lance.

“I am so proud of you Anak” sabi ni Donya Luisa kay Carlsen.

“It will be my pleasure Ma’am lahat gagawin ko para lang matuloy itong project nato and I won’t stop until I get it right” tugon ni Lance sa Dean.

“I know na gusting gusto mo to kaya I approve this project para naman magkaroon nang bago dito sa ating college” sabi ni Dean.

“I will make you proud of me” Sabi ni Carlsen sa kanyang mama.

Halos magkapareho ang dalawa over achiever at may malakas na sense of responsibility.

10:30

“buti naman at sinamahan mo ako dito sa bahay bro ako lang kasing mag isa dito” sabi ni Dennis sa kay Lance. “Ay Dennis kahit ano pa yan basta ikaw okey lang talaga sa akin” sagot ni Lance sa kanya.

Pumasok sila sa bahay ni Dennis at saka “Surprise!!!! Happy 21st Birthday Lance” sabi nang mga kaibigan niyang kanina pa naghinhintay sa kanila.

“Oh bakita kayo nandito, Dennis ano toh?”

“Bro, It’s your 21st birthday hinding hindi ko palalampasin ang araw na ito na hindi ka nag celebrate nang birthday mo”

“kaw naman talag oo, salamat tol ah the best ka talaga”

11:00

Umuupo si Carlsen sa loob nang bago niyang opisina binabasa ang list of properties at companies nila na sa kanya nang pamamahala.

Nang pumasok ang isang babae sa loob nang kanyang kuwarto.

Tinignan niya ito mula paa hanggang ulo, maganda ang babae at maputi.

“Good Morning sir, I’m Eunice your new personal secretary, inasign po si Mildred sa bagong pumalit sayo sa Board of directors si Mr. Trinidad” sabi nang babae nang mahinhin na pamamaraan.

“Eunice… okey you may go” masungit niyang sagot, alam nang lahat nang empleyado sa Montenegro Group of Companies kung ano ang ugali ni Carlsen dahil matagal din itong nagging head of the board bago binigay sa kanya ang titulong C.E.O.

“You have a visitor should I let her in?”

“So would you let her rot on your side of the office then?” sarcastiko nitong sagot.

Umalis nalang si Eunice at tinawag ang bisita. Pumasok ang isang babaeng napaka sexy at may alta sa siyudad na postura.

“Babe, ang ganda nanag bago mong office” pamungad nang babae.

“Valerie, ikaw pala… I miss you babe” naghalikan agad sialng dalawa, mapusok at punong puno nang pananabik. Matagal at mamasamasa.

Then may nag knock sa pintuan natigil ang masarap na laplapan anng dalawa. “Damn it… can’t you see we were busy?” sabi niya na medyo galit.

“Sorry po Sir pero naghihintay na po ang mga planners nang birthday party niyo mamayang gabi sa board room, importanante daw na makipagkita ka sa kanila sabi nang mama niyo” sabi ni Eunice na pumasok sa loob na walang pasabi.

Nag tinginan sila ni Valerie “Okey lang babe, I just dropped by to personally greet you a happy birthday… magkita nalang tayo ulit mamaya” nagahalikan din sila pagkatapos noon.

12:00

Kakatapos lang nang handaan sa bahay nina Dennis at naiwan nalang sialng dalawa doon.

“salamat pare ha, sinurpresa mo talaga ako doon.” Sabi ni Lance.

Hinawakan ni Dennis ang kamay nito at “Lance, Mahal na mahal kita, lahat gagawin ko para sayo matanggap mo lang ang pagmamahal ko…” at tinangkang halikan ni Dennis si Lance.

“Dennis wag!” agad naman itong bumitiw at tiningnan si Lance.

“Dennis, Hindi pa ako handa, may nararamdaman din naman ako pero hindi ko alam kung ano ito, if you could just give me the time and then maybe masusuklian ko din yang pagmamahal na yan.”

He just smirked and stood up “pupuntahan mo ba ang gig mo mamaya sa may Mirasol Resort?” tanong niya dito.

“Pera din naman yun pare” Sabi ni Lance sa kanya sabay tayo nito at sinundan si Dennis sa kusina.

Nagsimula nang maghugas sa Dennis nang mga plato nang bigla siyang niyakap ni Lance. “Thank you talaga sa pagmamahal pare” at mas lalo pa nitong hingpitan ang yakap, damang dama ni Dennis ang sinseridad nang binata sa kanyang turing.

“Sunduin nalang kita mamaya!” sabi ni Dennis nang binalikan niya ang paghuhugas nang mga plato.

3:00pm

“Handa na ba ang pinagagawa ko?” sabi nang isang babae sa telepono.

“yes, Maam naplanta ko na po ang bomba sa may ilalim nang lamesa na lalagyan nang cake… hindi nila malalaman” sabi nang isang goon na papalabas sa Mirasol Resort.

“Good, they will never know what hit them. Hahahahahaha” sabay tawa nang babaeng nakapulang gown.

5:00pm

Nakahanda na ang lahat sa may Garden nang resort at pinapanood lang ni Carlsen ang mga nagsisidatingang bisita. Naka suot na ito nang pantalon at sapatos pero naka sando parin. Pumasok ang isang matandang babae na nakadamit pormal pero hindi naka gown.

“Iho naman! Nagsisimula na ang lahat pero hindi ka parin nakapagbihis.” Sabi nito habang kinukuha ang polo ni Carlsen na nakasabit pa sa harap nang aparador. At binigay ito sa kanya.

“Yaya Glorya, hindi na ako bata para pagbihisan ninyo, malaki na ako oh, 21st Birthday ko na kaya.”

“He, ikaw parin ang batang binibihisan ko noon, pinapaliguan kapag nahulog sa kabayo, ang batang pinapagalitan ko kapag hindi nakapag mano sa mga matatanda, ang bataang inalagaan ko mula pa nung pagkabata, kaya hanggat mamatay ka pagsisilbihan kita.” Sabi nang matandang babae habang pinapasuot naman nito ang amerikana ni Carlsen.

“Ya, Kinakabahan ako, kinakabahan akong harapin silang lahat… akala nilang lahat mapagmataas na ako, mayabang, matapobre, pero ginagawa ko lang naman ito dahil kailangan kon g maging matapang para kay papa, kailangan hindi ako magpatalo, hindi ako lalampa-lampa, kasi alam ko wherever he is he will be proud of me.”

“Anak, kung nasaan man ang papa mo, sigurado ako proud na proud yun sayo, lumaki ka bilang isang matapang at matipunong bata, kaya ipakita mo na sa kanila kung anu ang tinay na pagkatao ni Carlsen Andrew Montenegro.” At ngiti ang ginanti niya sa babaeng tinuring na niyang pangalawang ina.

7:00pm

Waiter noong gabing iyon ang sideline ni Lance sa party ni Carlsen, dahil sa marami ang bisita nag imbita ang management nang resort na magdagdag nang waiter kahit sa gabing iyon lamang. Nakamaskara ang lahat nang waiter. Pati narin ang mga bisita.

Nagsimula narin ang salo-salo nang pormal na ipakilala si Carlsen sa madla.

“Let me now welcome the President and CEO of Montenegro Group of Companies and the Birthday boy Himself Mr. Calsen Andrew Montenegro.” Sabi nang Host noong gabing iyon.

Umabang talaga si Lance para makita ang taong may party nang biglang, “Mercado, tawag ka ni boss sa loob” pinatawag siya nang kanilang boss sa loob nang hotel. Agad din naman itong sumunod.

“Good evening everyone, I have lived my 21 years inside the company of my Father, Mr. Felix Montenegro na hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik sa amin. I know he is still alive dahil buhay pa ang Companya na naipundar nang mga magulang niya para sa kanya, buhay niya ang Montenegro Companies at heto ako, living up to his expectations as a shepherd to his flocks, lahat nang to para sa kanya and he will always be remembered. Thank you everyone for coming and enjoy the night” speech ni Carlsen.

Nang bumaba ito sa podium sinalubong siya nang kanyang mama para halikan at pinakilala nito ang mga kasama nila, “My son I would like you to meet Diego and Melissa Trinidad, sila ang bumila nang bagong shares nang companya” agad namang nangamusta si Carlsen.

“It’s a pleasure meeting you sir and your lovely wife”

“Salamat iho, you should meet our son siya ang uupo sa board ninyo. Paparating na siya any minute now” Sabi ni Mr. Trinidad.

“I would love to sir, maiwan ko na po muna kayo at aasikasuhin ko pa po ang ibang bisita, again it’s a pleasure meeting you and enjoy the night”

Nakita niya si Valerie na nakikipagtawanan sa ibang bisita. “Oh Val nandito ka lang pala kanina pa kita hinaahanap” sabi ni Carlsen na humalik din kay Valerie pagkatapos noon. “Babe, Nagtatawanan lang kami nang mga tita mo, nakakatawa kasi yung childhood mong pinaguusapan namin.

Kasama niya pala ang mga tiyahin ni Carlsen na sina Elenor at Criselda, mga kapatid nang ama nito sa ama.

“Iho happy birthday” sabi nang tita Criselda niya sabay beso dito.

“Tita kasama niyo po ba si Tito Greg?”
“nasaloob nag uusap sa ibang investors baka daw makahanap siya nang bagong buyers”

“Tita Elenor… (sabay beso dito) kamusta na po kayo? Balita ko po meron na kayong bagong nobyo” sabi ni Carlsen.

“yun bah? Nako wala nay un, your tita is once again single iho” sabay tawa nilang tatlo na malakas na napansin ni Carlsen na naka pulang gown.

9:00

Lumalim na ang gabi nang may nadaanan si Lance na babaeng naka pula sa likod nang mga bushes, hiindi niya ito namukhaan dahil naka maskara ito.

“Naplanta mo ba talaga nang maayos ang bomba?... Good? Mamatay narin ang heredero nag Montenegro Companies hahaha… Aalis na ako dito in 120 seconds gusto kong pasabugin mo na ito, kung hindi siya mamamtay doon may mga goons pa naman ako na hahabol at papatay sa kanya” binaba nang babae ang phone at nag dalidaling umalis nang resort.

Nabahala si Lance sa narinig at hinanap agad ang may kaarawan din noon. “pare sino ba diyan ang may birthday ngayon?” tanong niya sa isang kasamahang waiter. “ayun pare ang naka gold na mask, siya lang ang may gold na mask sa lahat nang bisita.” Sabi nang kasama.

Lumapit ito dito “Mr. Montenegro, kailangan niyo na pong sumama sa akin” sabi ni Lance kay Carlsen.

“Bakit? Sino ka ba?”

“ako ang liligtas ninyo kung sasama lang po kayo sa akin” nakita ni Lance na may isang bisita na nakahalata na parang gusto niyang takasin si Carlsen kaya bumunot ito nang baril. At pinaputok ito sa itaas.

“Shit!” sigaw ni Carlsen sa pagkabigla, “Hali na po kayo at baka sumabog pa ang bomba” sabi ni Lance habang hinahatak si Carlsen papalayo, nagsitakbuhan naman ang mga bisita palabas nang resort.

Tumatakbo ang dalawa dahil hinabol na sila nang tatlong lalaki na naka maskarang itim na kanina pa sila pinapuputukan, nang biglang may sumabog nang malakas. Babalik sana si Carlsen dahil nagalala siya sa buhay nang ina at mga kapamilya pero pinigilan siya ni Lance.

Nakaabot na silang dalawa sa gubat hanggang sa mapadpad sila sa isang hanging bridge na merong ilog.

“malapit na sila! Kailangan nating tumalon” sabi ni Lance.

“What? Jump? Are you out of your mind? Ang taas kaya niyan?” pagsalungat ni Carlsen.

“Talon o buhay mo? Mamili ka” sabi ni Lance. “Just trust me…” Sabay hawak niya sa kamay nito.

At pinutukan sila nang humahabol sa kanila at sabay silang tumalon.

Nakarating sa hanging bridge yung tatlo at tinangka pa nong isang paputukan ang ilog. “Huwag na pare patay na yung mga yun di naman kalaliman yang ilog eh hali kana at bumalik na tayo.” Sabi nang isa sa kanila sa tumaya nang baril sa ilog.

Umalis lang sila nang lumitaw si Lance karga si Carlsen na hinimatay dahil siguro sa takot nang free fall mula sa taas.

Pinahiga niya si Lance sa gilid nang ilog, kinuha niya ang maskara niya at tiningnan kung humihinga pa ito. Humihinga pa naman ito. Gusto niya nang kunin ang maskara nito dahil takang taka na ito kung anu ang itsura nang binata.

Kinakabahan man ay ginawa parin ito ni Lance at nagulat sa kanyang nakita.

“Hindi, Imposible… paano nangyari to?” ang tanging nasabi nito.

_Abangan_

Without You 6


Hello there... update na po ako, medyo maliit itong chapter na ito kahit na isa ito sa mga malalaking nangyari sa buhay ni Caleb, merong rason kung bakit, basta abangan niyo nalang po

Thank you nga pala sa lahat nang bumasa at nagsusubaybay nang Without You.
Gusto niyo ba talaga akong makilala? hehehe Soon po.

Bati portion na, Thanks to Miss D., I can't wait to read your continuations, sir Jayson P., thank you po sa pag acknowledge ninyo sa akin, Jayfpina na parating nakaabang sa site ko, kina Russ, Rue, joseph, joed12, ramy from qatar, andrei, dark_ken, Ross, Coffee Prince at sa mga anons at sa mga nag e-mail, type ko pa ulit yung scene na yun... soon you will be updated... thanks... hi sana susubaybayan ninyo parin po ito.

At malapit na malapit na ang "Exchange of Hearts" sana subaybayan niyo din po ito gaya nang pagsubaybay ninyo sa "Without You"

Website: urikido.blogspot.com
Email: uri_kido10@yahoo.com
Facebook: Gusto niyo na ba talagang malaman? :D

6th Installment na and more to go and don't mind to leave a comment, i would highly appreciate it even if you do go Anon :)

Anu ang kahihinatnan nang pagkabigo ni Caleb kay Sophie? at May mga bago na namang mga tauhan sa kwentong ito na lalo pang magpapakomplikado sa buhay nang ating bida, sino-sino kaya sila at sino sa kanila ang magkakaroon nang malaking papel sa buhay ni Caleb.



CHAPTER 6: Reborn

Nakaupo na ako sa tabi nang dagat, nakatanaw sa malayo malalim ang pagiisip, saan ba ako nagkamali saan ba ako nagkulang. Pero alam ko deep within me hindi sapat ang magparamdam pero wala akong magawa I wasn’t expecting those things to happen it just did.

Umupo si Felix sa tabi ko, “Iinum mo nalang yan bro!” sabay abot nang isng bote nang beer. Kinuha ko naman ito at nagsimulang uminum.

“Aya? Masama ba akong tao…?” biglang tumulo na naman ang luha mula sa mga mata ko. “bakit sila ganun? Niloloko nila ako, they always take advantage over me, yun yung main reason na ayokong maging totally serious sa pakikipag relasyon, dahil natatakot na akong iwan, parati nalang akong iniiwan, lahat nalang sila iniiwan ako.” Hindi pa ako umiiyak sa harap nang ibang tao kay Felix palang, marami nang alam si Felix tungkol sa akin, and who would be the best one to understand than him.

“Huwag mong sabihin yan Shio… nandito kami, mga kabarkada mo, mga bestfriends mo, hinding-hindi ka naming iiwan, promise ko yan sayo” niyakap ko siya pero saglit lang, raamdam ko ang init nang katawan niya sa gitna nang malamig na hampas nang malakas na hangin sa dalampasigan.

“Salamat sa pagdal sa akin ditto in such short notice… the best ka talaga.”sabi ko.

“Walang anu man yun basta ikaw magbabayad.” Sabi ni Felix at tumawa ito nang malakas, nagtawanan kaming dalawa nang biglang

“No Felix, It’s on the house, alam ko namang hindi kayo tatagal” sabi nang isang pamilyar na boses sa likod namin.

“Oh my go-o… Steven? Ikaw na ba yan?” tumayo ako bigla at nagulat sa nakita ko napalingon naman si Felix habang naka-upo.

“Gosh, Caleb… Hindi ka na nagbago” natatawa nitong tugon nang biglang nakipagkamay siya sa amin. Tumayo naman si Felix at nakipag kamay pero hindi naman niya ito binigyan nang kahit anong emosyon sa mukha.

“Felix, mas lalo ka pang gumagwapo ah!” sabi ni Steven, Yes bakla si steven and he is out, may itsura naman siya kaso lang mataba, pero napakabait, at type niya si Felix. Schoolmate siya naming noong High School, umalis ito papuntang America pagkatapos makagraduate kay matagal-tagal ko narin siyang hindi nakikita.

Inalis ni felix ang kamay niya na hawak-hawak pa ni steven and abruptly. “hahahaha… Nakakatawa ka naman Felix, Don’t worry I’m so over you” at biglang sumerioso si Steven. May tension na akong nararmdaman dahil ayaw na ayaw ni Felix sa mga bakla lalo na kapag alam nitong lumalandi na ito sa kanya.

“So… Steven, Saan ka na ngayon? What have you been doing lately?” I asked to cut the tension that was uprising.

“I came back to take over the Family Business, I own the place and other resorts in this side of the towns, Why don’t you go to my newly built luxury resort in Cebu, I know you will love it there.” He said.

“Wow, that sounds like a great idea (sabi k okay Steven, tapos ay hinarap ko si Felix)… Aya, diba hindi pa ako nakakapag celebrate noong birthday ko? At dahil summer naman I want to throw a party doon sa resort, all expense paid, I know I still have my savings with me…” I said

“That sounds great Caleb, I will be looking forward to that, here is my calling card… Call me if you want the reservations and I’ll be the one to accommodate you there… well I got to go babalik pa ako nang city ngayon to meet old friends and my BoyFriend” sabi ni Steven.

“Wow, that is nice to here, you finally have someone to call your own… well thank you talaga steven for the stay here at libre mo pa, tadhana siguro na magkitakita tayong muli” sabi ko sa kay steven at tiningnan naman ako ni Felix nang masama.

Umalis din naman si Steven agad at bumalik kami ni Felix sa cottege namin. Sinundo kami nang isa sa mga receptionist at sinabihan kaming pinalilipat kami sa may Suite room ni Steven. “Bakit mo naman ginawa yun?” sabi ni felix na medyo mataas ang boses. “nagagalit kaba? Still can’t get over the shadow of Steven Montenola?” sarcastiko kong tanong.

“For god sakes Caleb, hindi mo baa lam na siya sung dahilan kung bakit ako galit sa mga kagaya niya? Emotional trauma yung naranasan ko dahil sa sa pag stalk sakin nung whale na yun!” natwa ako sa mga sinabi niya. “hahahahaha nakakatawa ka talaga pag nagagalit yung butas nung ilong mo lumalalaki. Hahaha” sabi ko naman na tawa parin nang tawa.

Lumapit siya sa bintana at umupo doon kumuha siya nang isang stick nang sigarilyo saka ito sinindihan. Tiningnana ko lang siya at alam na niya ang ibig sabihin noon. “I stick lang Shio para makatulog…” agad naman itong ngumiti.

Nag alis na ako nang damit sa katawan, okey na sa amin ang maghubad sa harap nang isat’isa walang halong malisya, dalawa ang higaan doon ako pumwesto sa may malapit sa bintana, alam ni felix na mahilig ako sa mga magagandang tanawin especially pag gising ko sa umaga kaya hindi na siya umapila. Naka boxer shorts na ako nang mahiga sa may kama.

“Shio, hindi ka na ba nalulungkot sa mga nangyayari sa iyo ngayon.” Tanong niya sa akin.

“Matapang ako, I was once like this and hindi ito nakadulot nang maganda sa buhay ko, mas mabuti na yung ikubli ko sa sarili k oats a lahat ang nangyari, hindinghindi pa ako masasaktan nang lubusan” sabi ko habang nakatingin sa kisame noong suit.

“Kaya ba magpapaparty ka?” tanong niya.

“Everything gagawin ko just to make me happy at makalimutan koa ng lahat nang iyon” sabi ko. Agad naman akong nakatulog nang dahil sa pagod.

3 weeks later…

Pumunta na kaming Cebu para sa 3days and 2nights stay sa resort nina Steven ang “Monte Fuego”, buong isla pala ito at may private ferry ride sila para sa mga bisita nito, pero dahil sa pangunahang panauhin kami ni Steven ay sa private yatch nilang pamilya kami sumakay papunta doon.

Sampu ang sianama ko sa trip na ito at sabi ko nga all expense paid trip ito kaya lahat hindi nakapag ayaw. Sinama ko sina Felix, Isa, Klea at Lester at siyempre hindi pahuhuli ang mga kaibigan kos a sayawang sina Teo, Janelle, Janice, Hera, Blitz at Enzo.

“Wow, bongga mo talaga Mr. Tan, can afford mo talaga ang luxury na ito?” sabi ni Janelle na manghang mangha talaga sa facilities nang resort nina Steven.

“Alam mo Janelle, pa birthday lang ito nang mga kaibigan nang mga magulang ko sama na diyan yung allowance ko” sabi ko naman.

Nasa reception area na kami nang biglang tumawag si Steven na hindi daw siya makakarating noon dahil hindi pa niya masama-sama ang boyfriend nito. Pero nag check in narin kami at sabi niya bukas nalang daw niya kami bibigyan nang tour sa isla nila.

Dalawang De lux room ang kinuha naming, isa para sa mga babae at isa para sa mga lalaki, Grabe ang laki nang room na iyon at may sariling pool pa sa labas, napamangha naman si Lester sa architectural structure anng buong resort, napaka busisi daw at pulido ang pagkakagawa, talagang pinag-isipan.

Nag bihis na kami pampaligo at nagkantyawan pa sa mga katawan namin. Kami naman ni Enzo, parang, ewan hindi din naman siya nagpapahalata na may ginagawa kami pero alam ko pasimple lang siya sa pagtingin sa akin.

Lumabas kami na naka trunks at swimsuits nalang sa mga babae para mag tambay at mag swimming sa endless pool na overlooking ang dagat. Maganda talaga ang lugar at masaya ako dahil mga kaibigan ko ang mga kasama ko, kung wala siguro ang pag aaruga at pagkonsinte nila sa akin siguro ay gaya nang dati lasingero na ang kahihinatnan ko ngayon.

Masaya ang kulitan sa pool nang mga kaibigan ko ako naisipan kong mamaya na malulugo at mag papaaraw muna at magpawis. Kung titignan niyo siguro ako ngayon, lalaway din kayo sa aking tindig malapit sa pool side, kaya siguro umahon si Enzo sa pool at pumunas nang basing parte nang katawan niya.

Naka Dark colored rayband ako noon kaya malikot mga mata ko sa mga daan oh gusto kong tingnan, at sampat talaga na nakita ko si Enzo na nakatayo, nagpupunas nang basang parte nang katawan habang nakatitig sa akin. At kita ko ang bukol sa trunks niya na mas lalong lumalaki habang pinapanood ako na may kasama pang mga kagat labi na aaminin ko nakakalibog.

Balewala lang ako sa mga nakita ko, pero bumilis ang tibok nang puso ko nang lumapit siya sa akin at tumayo sa harap ko, na parang tinutok niya talaga ang kanyang pagkalalaki sa tapat nang mukha kong nakatingala sa langit. Nakita ko ang kanyang mala demonyong ngiti na parang nagaakit sa akin.

“Your blocking my sun!” sabi ko sa kanya na medyo galit, tumayo ako at agad na naglakad patungong banyo para makapagshower muna bago lumusong nang pool.

Habang nasa tapat nang shower bumabalikbalik sa akin ang mga nangyayari sa amin ni Enzo, para bang nahulog na lalo ako sa patibong na hinanda niya, hindi ko na alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko, pinagpapantasyahan ko siya noong mga sandaling yun at iniisip ang nangyari kanina sa swimming pool nang biglang may gumapang na mga kamay mula sa likod ko at binalot ang buo kong katawan, nasarapan ako sa mga nangyayari at hindi maalintana na tumayo ang aking junior.

Nang biglang bumababa at bumababa pa ang kamay niya papunta doon sa pumipiglas kong alaga. Nang biglag hinalikan ako noong taong yun sa batok.

Napatalikod na ako at sabay tulak sa kanya papalayo sa akin, Si Enzo pala yun at sinundan niya pala ako. “Putang-ina anong ginagawa mo dito” tanong ko.

“Akala ko ba…” sabi niya.

“Akala-akala maraming namamatay sa maling AKALA!” pagbara ko sa sasabihin niya, agad akong lumabas nang banyo at dumiretso sa pagbabad sa may swimming pool. Mag-isa akong lumangoy at iniiwasan ko ang mga kaibigan dahil gusto ko talagang magpalamig nang ulo.

Bumabagabag parin sa akin ang mga nararamdaman ko, may pagtingin nga ba ako kay Enzo? o dahil lang ba ito sa naudlot kong pagmamahal para kay Sophie kay ibibigay ko ito sa iba? Bakit ko ba naman iniisip to e straight ako, malay ko naman bas a mga ganito dba. Ah ewan basta yun yun, litong lito na ako.

Gabi na noong nang napagpasyahan kong maglakadlakad sa dalampasigan. Naka putting pajama pants lang ako noon at walang saplot pang-itaas, gusto ko lang talagang mapag-isa noong mga panahong iyon. Umupo ako sa buhangin habang tanaw ang napakadandang karagatan.

“Oh kanina ka pa namin hinahanap ah!” may nagsalita sa likuran ko, nang tumalikod ako nakita ko si Enzo. Hindi ko siya pinansin at humarap lang ako sa dagat at mas malayo pa ang aking tinanaw. Ayokong makipagtalo sa kanya sa ginawa niya kanina kaya babalewalain ko nalang siya.

Nagulat ako nang tinabihan niya ako noon. “Nabalitaan ko yung kay Sophie… Sorry sa kanina… g-gusto… gusto ko lang naman… pasiyahin ka kahit papano…” pa utal-utal niyang sabi. Hinarap ko siya pagkatapos noon, nakatingin pala siya sa akin. Nakatitig na ako sa mga mata niya, nangungusap ang mga ito na para bang napakarami nang sasabihin niya.

Hindi ko na namalayan na papalapit nang papalapit ang mukha niya sa akin, bumilis ang tibok nanng puso ko, pero para rin akong napako sa kinauupuan ko. Hindi, hindi pwede to, wag naman siya. Tumalikod ako agad sa kanya bago paman may mangyari sa amin, hindi pwede hindi pwedeng siya.

“I’m sorry ulit, di ko lang mapigilan…” agad niyang sabi at nagbalak na tumayo, hinawakan ko ang kamay niya at sinabing “huwag ka munang umalis… Huwag mo akong iwan.” Agad din naman siyang bumalik sa tabi ko at humiga naman siya sa balikat ko “Hinding-hindi kita iiwan… kelan man!” nanatili kami sa posisyong iyon nanag magdamag nagkwentuhan nang kung anuanu.

Matapos ang ilang araw pa masarap ang pakiramdam na may nagaalala sayo pinuno ni Enzo ang pangungulila ko kay Sophie. Lahat nang iyon at marami pang iba I opened up another portal for him to know me better, dahil sa Cyber Sex, okey lang daw sa kanya na kahit doon nalang niya ako mayakap at makita ang buong buong ako dahil hindi ko pa kayang ibigay sa kanya ang dapat.

Nagtagal ito hanggang sa nagging third year college na ako, mas maraming responsibilidad. Pero ganoon parin kami Enzo at napaka consistent niya, minsan pinupuntahan niya ako sa classroom para humiram nang lapis, pag balik nito sa akin marami nang stickers na heart, natatawa nga ako na parang kinikilig sa mga pinanggagagawa niya. At oras oras niya akong tinitext nang love quotes na hindi mo sukat akalaing manggagaling sa kanya.

Yung taong din na yun nakakilala ako nang mga nagging malalapit kong kaibigan na tinuring ko naring pangalawang barkada tawag sa amin sa classroom grupong HP “Highblood People” tinatawanan nga naming eh kasi kami daw yung matatapang mambara at mag tanong sa mga ginagawa nang mga kaklase namin at sa mga Clical instructors namin. Walo kami sa Grupo, ang magnobyong sina Bettina at Bryan, si Katelyn at Jelly na matagal nang magkaibigan, si Angelo na classmate ko mula pa noong 1st year college, si Kenjie na super crush nang bayan at si Carmina na naging bagong laman nang mga pagtingin ko. Napakabait niya at napaka pasensyahin hindi mo maalintanang hindi mahulog para sa kanya.
Alam nang lahat na may pagtingin ako kay Carmina maliban sa kanya at wala pa akong balak na manligaw kasi baka iisipin niyang gagawin ko lang siyang panakip butas kay Sophie, kaya iwas muna ako sa gulo mabuti na itong meron kaming communikasyon at magbarkada pa kami.

Tagong Bisexual si Enzo, napatunayan ko din yun at heto ako untiunti niyang binubuksan ang natatagong ako. At parang nahuhulog na ako sa kanya. Hanggang isang araw.

Kakatapos lang naming mag Phone Sex, tumatawa siya sa kabilang linya nang biglang tinanong ko siya nang napaka seryoso.

“Enz… Anu ba tayo?”
“Anong klaseng tanong yan? Bakit anu ba gusto mo?”

“We’ve been doing this for almost a year na pero parang may iba eh…”

“Alam ko naman yun, ikaw lang naman hinihintay ko…”

“Ibig bang sabihin nito… tayo na?” may pagaalinlangan kong tanong.

“edi oo… mwah, love you baby ko!”

“hehehe, love you din dady”

Para bang lumulutang ako sa alapaap nang mga panahong iyon, nabuksan ko din ang puso ko sa isang taong hindi ko namalayang magiging akin. Parati na kaming lumalabas pagkatapos noon pero lahat ay puro patago puro kulitang panlalaki ang ginagawa naming tapos pag may practice eh iba iba din naman yung kasama ko, pero pag kami nalang dalawa, ang sweet niya sa akin.

Isang araw naglalakad kami sa park tapos nang pag ensayo sa sayaw, umakbay siya sa akin at sabay sabing “Simula ngayon, mag asawa na tayong dalawa at hinding hindi na kita iiwan kahit kelan man”

Lumundag nang todo ang puso ko noon, para bang hindi mahirap ang lahat napakasaya nabuhayan ako nang loob at tuluyan ko nang nakalimutan ang lahat lahat.

Isang gabi magisa akong nakaupo sa park at hinihintay si Enzo, nang bigla kong nakita ko si Steven na may kasamang pamilyar na lalaki.

“Oh My God Caleb! Bakit nandito ka ta nagiisa siya nga pala si Mark Boyfriend ko” sabi ni Steven. Nanlumo ang lalaki dahil nakilala ko siya, parang gusto niya nang umalis sa harap ko nang mga oras na iyon.

“Kilala ko siya Steven, kasamahan ko yan sa grupo… hindi ko lang alam na… kayo palang dalawa.” Matagal ko nang alam na may berdeng dugo itong si Mark kasi may nakapagsabi sa akin sa grupo na type daw ako nito, pero hindi ko sukat akalain na sila pala ni Steven.

Nang dumating si Enzo, Fuck, magkakabukuhan na ba? “Oh at nandito din pala si Enzo” sabi ni Steven. “magkakilala kayo?” tanong ko.

“Oo naman, eh magkabarkada kaya tong sina Mark, may balak pa nga yang maglipat nang Boarding house doon sa kina Mark eh” sabi ni Steven na tsaka ko namang kinagulat. Hindi nabanggit sa akin ni Enzo na me ganun pero napapansin ko na nga rin na medyo malapit ang loob nila sa isa’t isa.

“Oh, look at the time, I’ve got to go Steven, nice seeing you here, kaw din Mark, and You too Enzo!” sabi ko sa kanila at umalis nalang bigla ayokong makita nila na tumutulo ang luha ko, hindi ko akalaing hindi niya ipagtatapat sa akin yun.

Tumakbo ako pero sa hindi nalalamang kadahilanan ay nahabol ako ni Enzo. “Bhe, bakit mo ako iniwa doon…” habang ginapos niya ako sa kanyang bisig na ngayon ay iniiyakan ko na.

“Mag mamaangmaangan kapa, may relasyon kayo ni Mark no? Bakita ang close niyo ngayon? Ha… sumagot ka”

“Your over reacting, sasabihin ko din naman sayo na doon na ako maninirahan if everything is settled. May mga nakawan sa Old Boarding house ko at kaya ako aalis, eh ito nito naman si Mark nag prisenta nang boarding house nila kay doon ako lilipat, please naman Bhe, magagawa ko bang lokohin ka eh mahal kita?”

Wala na akong nagawa kundi maniwala, maniwala sa pgamamahal na pinakita niya sa akin. Nagyakapan kami hanggang sa di ko na namalayan ay hinalikan niya ko sa pisngi malapit sa bibig, iba ang init na naramdaman ko noon kaya umiwas din ako, pero alam ko na alam niya na hindi pa ako handa at nirespeto niya ang desisyon ko.

Hindi ako makatulog noong gabing iyon dahil naalala ko ang init nang mga labi niya na ngayon ko lang nadama. Ang init na iyon na lumatay sa buo kong pagkatao, init nang pagmamahal.

Malapit na ang malaking araw nang buhay ko, ang Election nang Student body na hinandaan ko, Isang election na nagpabago muli nang buhay ko.

_Abangan_