U-Play

8/14/2012

Exchange of Hearts 3

Hello po sa inyo lahat na patuloy na nagsusubaybay sa at tumatangkilik sa mga kwento ko. Unang una po nahihiya po ako ngayon sa inyo dahil ilang buwan na din ako naging inactive sa pag post nang mga kwento ko. especially po ang update nang Exchange of Hearts na napakarami nang tumatangkilik and it is so overwhelming to hear comments and violent reactions from my readers it really help me grow as a writer. 

Pangalawa po, ibibigay ko po ang rason kung bakit ako nawala nang matagal, I have been struggling with my studies and paperworks for my upcoming board exam and hindi ko madugtungan ang kwento dahil nagaaral pero i really try to put more inputs para maganda kaya medyo matagal talaga.

Sa ulit po I am very sorry! sana po ay patuloy niyo apng tangkilikin ang kwento... salamat po and enjoy chapter 3 of Exchange of Hearts. 


Chapter 3: Litrato

[Kurt]

“I was there when it all happened, the night of the tradgedy that happened to Carlsen… magkababata kami niyan, naalala ko noong nag kakilala kami sa school, binubuly kasi ako noon, lampa, payat, nerd… but he stood for me. Since then naging mag best of friends kami niyan. Parati kami magkasama, we play basketball together, lumalabas tuwing hapon, kasama nga rin niya ako nung niligawan niya yung classmate namin.

Until, one day nawala ang Daddy niya, ako ang taong palagi niyang tinatakbuhan noon, umiiyak siya, parati niyang sinasabi na miss na miss na niya ang daddy niya at ito raw ang tanging nagmamahal sa kanya nang lubos. I left for the States that same year, my mother married her business partner at that time and we all migrated there.

Di ako nakapagpaalam nang maayos, dahil alam kong it would be hard seeing him in that depressive situation, dahil dun I promised na when I return gagawin ko ang lahat para mapasaya ang kaibigan ko kaya sososrpresahin ko sana siya sa birthday niya… pero di ko akalaing yun na ang huling araw niya sa mundong ito.”

Maluhaluha akong nagsalita sa necrological service para kay Carlsen, di ko sukat akalaing din a kami nagkita muli pagkatapos nang matagal na panahon. Kinuha ko ang microphone at lumapit sa mga labi niya at maluhaluhang sinabi na

“Paalam aking kaibigan, hanggat magkita tayo ulit, and don’t worry the company that you have been saving for the last 5years… You will be my inspiration bro”

Natahimik ang lahat nang tao sa simbahan, araw ito nang kanyang libing pero puro pamilya lang niya ang nandoon at mga matatalik na kaibigan, ibang empleyado na forced pang pumunta. Alam kong hindi naging mabuting boss si Carlsen pero hindi nila alam ang dinaan niya bago pa siya nang president nang companya na pag-aari din niya.

Nang may nakaagaw nanag attensyon ko sa may bulwagan nang simbahan, isang lalaking nakaputi na namumukhaan ko, at nagtinginan kami mata sa mata, nang mamukhaan ko na siya ay gulat ang namuo sa aking mukha “It can’t be” at ang hawak kong mikropono ay nahulog at umalingaw-ngaw ang di magandang tunog dahil sa feedback, di ko ito pinulot dahil nakatunganga parin ako sa kinalalagyan nang lalaki na bigla namang umalis.

Humingi ako nang paumanhin kay Tita Luisa at nagdalidali akong lumabas nang simbahan para habulin ang taong yun, nang makita kong pumasok siya sa isang maitim na kotse na parng nagmamadali pero nakatingin pa siya sa akin…

“CARLSEN”

[Kahapon sa Villa Montenegro]

“CLARENCE” sabi ni yaya Glorya na namuti bigla sa kanyang kinatatayuan.

“Sino po si Clarence?” tanong naman ni Lance na nahihiwagaan sa mga kilos ni yaya Glorya.

“Hi- hindi… Carlsen ang sinabi ko, wala akong sinasabing Clarence anu ka ba” sabi ni yaya glorya na napalitan nang ngiti ang mga labi nito habang tinititigang mabuti si Lance.

“hali ka nga dito iho” dugtong pa niya. Lumapit naman agad si Lance at niyakap siya ni yaya Glorya nang mahigpit. Nang napakahigpit.

Gabi na nang nakapagpahinga ang kambal sa kwarto ni Carlsen. Di man sila sanay na magkatabi matulog ay kailangan kasi wala ni isang empleyado sa mansion ang may alam na nandoon sila maliban kay yaya Glorya.

“Carl… anu na ang plano mo ngayon?”

“Kailangan kong malaman ang may gawa nito Lance… at sa lalong madaling panahon, ayoko na may madamay pa sa mga pangyayaring ito, ayoko na pati si Mama ay madamay.”

Nang may kumatok sa may pinto, na nagbukas naman dahil ginamitan nang susi, si yaya glorya pala yun na may dalang pagkain.

“kain muna kayo mga anak” hindi mawala sa mukha niya ang ngiti.

“nabalitaan ko na gusto ni Tita Criselda mo na kunin ang pwesto mo sa pagka president” dagdag pa ni yaya glorya habang kumakain ang dalawa.

“Sabi ko na nga ba si Tita Criselda siguro ang may tangkang pumatay sakin dahil gusto niyang kunin ang pwesto ko sa Companya.” Sabi ni Carlsen na may halong galit.

“at least ngayon may lead na tayo tol, lets start there.” Sabi ni Lance.

“pero hindi siya nagtagumpay anak, yung anak ni Mr. Trinidad ang pumalit sa puwesto mo.” Sabi ni yaya Glorya. Nagtinginan lang ang kambal.

[Sa Montenegro Company]

9:00pm

“Mauna na kami umuwi Eunice” sabi nang isang katrabaho ni Eunice sa Companya.

“Sige tatapusin ko nalang itong financial statement para kay Mr. Trinidad bukas” Sagot ni Eunice.

Madilim na ang buong 35th Floor kung saan ang opisina nang president, akala ni Eunice wala nang tao at siya nalang ang nagtatrabaho nung mga oras nay un. Kaya tutok na tutok siya sa gawain. Nang bglang nag ring ang telepono.

“hello Dad?”

“Princess, buti naman sinagot mo na mga tawag ko”

“Dad, uulitin pa ba natin to? Di ako uuwi hanggang I can prove my worth to you and to be what I want to be”

“Alam ko naman yun princess,I Just want the best for you. Nagtatrabaho ka bilang secretarya na pwede ka namang maging Boss sa Marketing department natin. Anak Valderamma ka, hindi mo na gawain yan.”

“I told you, I can only live up to my Family name kung alam ko nang kayak o, ayoko mangyari sakin ang nangyari kay kuya. Never.” Sabi ni Eunice habang naglalakad papuntang restroom.

Lingid sa kaalaman niya basa ang sahig dahil kakamop lang ito nang janitor, at nung malapit an siya sa pinto ay nadulas ito buti nalng at may lalaking nakasalo sa kanya. Si Kurt.

Nahihiya man si Eunice eh tumayo siya nang matuwid at angpaumanhin sa kanyang amo.

“Sorry po talaga sir, hindi ko po alam na basa ang sahig” napayuko lang siya nang sianbi niya iyon.

Hinawakan ni Kurt ang baba niya at inangat ang ulo nito, at kitang kita sa mukha ni Kurt na natatawa siya, pero ang mga ngiti niya ang nagpahanga sa kay Eunice.

“It’s okey, at least no body got hurt.” Sabi niya. Pero di kumikibo si Eunice at nakastick lang talaga ang mata niya kay Kurt.

“next time be careful…” sabi ni Kurt habang pabalik sa opisina niya, pero napako parin ang tingin ni Eunice sa kanya.

Nilingon siya nito “and Eunice, Cancel all my meetings tomorrow and come with me.” Sabi niya.

“Ha? Sir?” mahinhin na sagot ni Eunice. Iniisip niya kung bakit siya niyayaya nito na lumabas sa susunod na araw.

“to the Funeral… remember?”

“ah, yes sir.” As a sign of relief.

“Good see you tomorrow then” he said entering the room.

[Villa Montenegro]

Nasa kusina si yaya Glorya nang tumunog ang telepono nito.

“Hello Glorya” isang lalaki na malalim ang bosses ang nagsalita sa kabilang linya, pamilyar ang boses niya.

“Sir Felix!” sabi ni yaya na may galak. Simula noong Nawala si Felix alam na ni yaya Glorya kung nasaan ito, may nagtangka din kasi sa buhay niya at kasalukuyan niyang iniimbestigahan ito, pero sampung taon na ay wala parin siyang nahanap.

“Nabalitaan ko ang nangyari kay Carlsen, di ako makapaniwala…” nang pinutol ito ni yaya.

“Buhay si Carlsen!”

“Ano? Buhay siya?”

“Oo, nandito siya sa Villa Montenegro, at ligtas siya dito Felix” at di naman makapagsalita si Felix sa kabilang linya.

“Hindi lang siya ang buhay…” dugtong pa ni yaya “… Pati si Clarence buhay din!”

“Wag kang magloko nang ganyan Glorya, kitangkita mo noon na walang buhay ang bata nung ipinanganak siya” galit an tugon ni Felix sa kabilang linya.

“Oo Felix, pero kahit ako hindi makapaniwala, pero tadhana na ang nagdikta nang mga pangyayari at nagkita na silang magkambal”

Samantala sa kwarto habang naguusap sila Lance at Carlsen, tinitignan nila ang mga photo album nila Carlsen.

“Yan yung time na nag waterslide kami ni papa… yan ang pinakamasayang araw nang buo kong buhay” sabi ni Carlsen habang tinuturo ang isang lumang litrato.

“I envy you, you had a good childhood.”

“Oh bakit naman?”

“Ampon lang ako Carlsen, limang beses ako nagpapalit-palit nang mga magulang, meron na inabuso ako, meron din namang gnawa akong alipin nang sindikato at nung huli kong pamilya ang siyang nagbigay sakin annag lahat lath ay kinuha din sakin dahil sa aksidente.” Maluha-luhang sabi ni Lance

“Wag ka nang umiyak tol, ako na ngayon ang pamilya mo, hinding hindi kita iiwan tandaan mo yan” napangiti lang ang dalawa sa mga pangayayari.

“eh sino naman tong katabi nang papa mo?”

“Yan si Mr. Tan, Bestfriend ni papa, siya ang may-ari nang Tang Kuang Mu Group of Companies”

“Yan yung Ospital kung saan gusto ni Dennis magtrabaho.” Nakangiting sabi ni Lance.

“Sino si Dennis?”

“Bestfriend ko, yung taong hindi pa ako iniiwan” napangiti naman si Lance.

“Ah, naalala ko sabi ni Tito sa akin noon, kung kakailanganin ko ang tulong niya, kahit ano puntahan ko lang daw siya”

Mahimbing muli ang tulog nila noong gabing iyon.

10:00am

Nagising si Lance na wala si Carlsen sa tabi niya. Pero nakatangap siya nang text galing dito.
Di ko kayang hindi makita si mama bago siya umalis papuntang amerika, I will go to my own funeral. At babalik din ako agad, may sasakyan naman ako. Ingat ka diyan kambal magkikita pa tayo.

Agad naman siyang tinawagan ni Lance.

“Tol? Nasaan ka?”

“Umalis na ako tol nakita ako ni Kurt, yung bagong president, di naman niya siguro ako isusumbong pero…” naputol ang salita ni Carlsen at may narinig si Lance na putok nang baril.

“Carlsen ano ang nangyayari?”

“May nagpapaputok sa akin. Di ko kilala” kasalukuyang nasa bundok na bahagi ni si Carlsen nang may nagpaputok na mga tao mula sa likuran niya. “Lance making ka, kahit anong mangyari magpakatatag ka”

“anung gagawin ko?”

“Tawagan mo si Mr. Tan, merong private number sa likod nang litrato nila ni dadi yung pinakita ko kagabi, yun ang gamitin mo para ma contact siya.”

“okey, eh pano ka?”

“Basta Lance, kahit anung mangyari sakin ngayon, Promise me. Ipaghiganti mo ako, ata ng pamilya natin”

Hindi na makaimik si Lance sa kabilang linya, at patuloy parin ang putukan.

“Alalahanin mo Lance, mahal na mahal ka ni Kuya” at biglang amy narinig siyang nabindol na parang metal at narinig din niya na gumugulong ang sasakyan nang kapatid niya…

“Carlsen, andyan kapa? Ano ang nangyayari sayo?... magsalita ka naman?”

Nang biglang BOOOOOOOOOOOOM! May sumabog at naputol ang linya.

Di maipinta sa mukha ni Lance ang nangyayari, Hindi siya makapaniwala sa mga narinig, at nanlumo talaga siya sa sitwasyon.

“Ipaghihiganti kita Carlsen, Ipaghihiganti kita!” nasabi iyon ni Lance na may galit, kirot sa puso.

Tinawagan niya si Mr. Tan doon sa telephone number na nakalagay sa likod nang litrato.

“Hello Mr. Tan?”

“ Sino to? Pano mo nalaman ang number na ito?”

“Di na mahalaga yun, ang mahalaga magkita tayo!”

“Di kita kilala iho, pano ko masisiguro na hindi ka masamang tao?”

“Wag kang magalala tungkol ito sa mga Montenegro, so kakausapin mo naba ako?”

“meet me at my office tomorrow morning…” pinutol ito ni Lance.

“Di na po mapapabukas to, Pier 28, 1pm, tayong dalawa lang” at bigla niya itong binaba.

1:05pm

[Pier 28]

Papasok si Mr. Tan nang namukhaan niya ang nagiisang tao doon sa lugar.

“Carlsen?” sabi niya nang may pagkabigla.

“Di po ako si Carlsen, Patay na po si Carlsen, at alam kong may pumatay sa kanya”

“eh sino ka? Paano nagkaroon nang kaitsura si Carlsen?”

“Di ko din po alam, and I am going to find out… kailangan kop o nang tulong niyo”

“Anung maitutulong ko ijo?” alanganin na sagot nito

“Gawin niyo akong anak ninyo, at dun na akong magsisimulang maghiganti” pero makikita talaga sa mukha ni Lance ang determinasyon sa kanyang mungkahi.

“Kaya mo ba maging anak nang isang Caleb Uriel Tan?” tanong niya ulit an may halong pangamba.

“Para sa kapatid ko, gagawin ko talaga ang lahat para sa kanya.”

Makikita mo sa mukha ni Caleb na kombinsido na siya nang binata. “Ano ang gusto mong bagong pangalan ijo?”

“CLARENCE… Clarence Alexander Tan!”

_itutuloy_

PS. Salamat po talaga sa pagtangkilik sa mga gusto pong mag share nang feeling nila meron pong comment box sa ilalim nang page nato o pwede niyo rin akong e add sa Facebook! Thank you!

6/04/2012

Exchange of Hearts 2


Lahat nang lihim ay nabubunyag, lahat nang butas ay natatakpan, lahat nang humihinto ay dapat pa ring bumiyahe...

Chapter 2: Biyahe

12:00MN

“Looks like our plan has worked, Madame” sabi nang isang matipunong lalaki na naka suit na bisita din noong gabing iyon. Kausap niya ang isang babaeng naka red gown na may hawak na champagne glass.

“Wag kang kampante sa ngayon Lucio, hanggat hindi pa natin nakikita ang labi nang Carlsen Montenegro na yan” sabi nito nang pabalang. “Pero wala na siya sa ngayon at ako na ang magiging reyna nang Montenegro Group of Companies” sabi niya na may kasamang malakas na tawa.

[Carlsen]

9:20AM

Nagising nalang ako sa isang hindi pamilyar na kwarto, walang suot pang itaas at iba na ang suot pang ibaba. Inalala ko ang nangyari sa akin bago ako humantong sa ganitong kalagayan. May sumabog noon sa party, tumakbo kami nang nagligtas nang buhay ko, at tumalon sa ilog. Tumayo ako sa hinihigaan at lumabas nang kwarto, at saka bumaba sa sala nang bahay. Parang walang tao, wala siguro yung nagligtas sa akin.

Pumunta na lang ako nang kusina par makainom ang tubig, uhaw na uhaw na ako nang mga panahong ito. Kumukuha ako nang tubig sa dispenser nang makita ko ang mga litrato sa may refrigerator. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

“Ako to ah”

“kelan nangyari to?”

“Hindi ko kilala ang mga ito”

Tanong na paulitulit na bumagabag sa sarili ko, hindi ko sukat matandaan kung kelan nangyari ang mga litratong iyon.

“oh gising ka na pala?” may nagsalita sa likod ko na isang pamilyar na boses.

Nang lumingon ako hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, isang taong kamukha ko. Para kaming binyak na bato.

“It can’t be” sabi ko.

“di nga rin kapanipaniwala eh, pero lets face the fact na magkapareho tayo nang itsura.” He said.

“but how can this be? I don’t recall having a Brother or even having a Twin?” I insited.

“Hindi ko rin alam, at ang alam ko sa ngayon hindi natin pwedeng ipagkaila na magkapatid tayo, hindi ko alam kung papano o ano ang nangyari pero alam ko magkapatid tayo”

Bumagabag din ito sa sarili ko hinding hindi makapaniwala sa nakikita o naririnig ko, isa ba itong masamang panaginip o isang ilusyon na pwedeng takasan. Nang maalala ko si mommy.

“Can I borrow your Phone?” I said.

“Tatawagan mo ba mommy mo? Nasa Ospital siya ngayon.”

“What? Anong nangyari sa kanya?”

“Inatake sa puso nang nalaman niyang namatay ka na…” makikita ko sa mukha niya ang pagkadismaya na hindi ko maintindihan.

“E narito ako oh buhay na buhay ano bang pinagsasabi mo” galit kong kontradiksyon sa paratang niya.

“Alam mo naman siguro na may tumangkang pumatay sayo? Kaya pinalabas nila na patay ka na nga, may sunog silang katawan na iprinisenta kay mama mo. Nalaman ko sa kaibigan ko na nagtatrabaho noong gabi nang pagsabog e inatake ang mama mo sa puso at nagpasya sina tita Elenor mo na dalhin siya sa amerika para ipagamot pagkatapos nang libing mo sa makalawa”

Nanlumo ako sa narinig at napa-upo sa sofa nila, “Ilang araw na ba akong tulog?” tanong ko na patuloy ang tingin sa kawalan.

“Tatlong araw na, kung hindi ka pa nga nagigising kanina eh dadalhin na sana kita sa Ospital!” sabi nang lalaking kamukha ko. Pumunta siya sa kusina at may inihain. Habang ako ay nasa sofa parin at hindi umiimik. Binalikan niya ako sa may sala at pinatong yung pagkain sa harap ko.

“Kumain ka na muna tatlong araw ka nang hindi kumakain kailangan mo pa naman nang resistensya” tiningnan ko lang siya at nginitian. Nang inabot niya ang kamay niya “Lance… Lance Mercado.” Nagpakilala siya sa akin at naramdaman ko ang matinding lukso nang dugo, hindi ko maipagkakaila na magkapatid kaming dalawa.

10:00am

-Montenegro Group of Companies, Board Room-

Lahat nang board of trustees nang companya ay nandoon para sa isang board meeting na ipinatawag ni Criselda.

“As we all know, Carlsen was the only heir of my abducted brother, Felix, and with his loss the company and all its assets have a fallen pilar. And Luisa is now suffering in Major Depression dahil sa nangyari, so as the immediate relative, I am willing to take over my nephew as the president and CEO of Montenegro Companies.”
Sabi ni Criselda na parang nanalo sa Lotto ang ngiti at hindi naluksa sa pagkamatay nang pamangkin.

“Hold your horses Criselda, hindi ganoon kadali yang pinagsasabi mo” pag interrupt ni Mr. Trinidad. Tumayo ito at nagpatuloy nang pagsasalita. “As we all know ako ang Major stockholder nang companying ito, I now own 40% of the company, and I as head of the board of trustees do not want you as CEO of this company…” Nagpaikotikot siya sa loob nang board room at makikita mo sa mukha ni Criselda ang galit at poot. “… you are not fit for the position, and anyone from the board who agrees with me please raise your hands” at agad na nagtaas nang kamay ang halos lahat nang tao doon, at mas namula sa galit si Criselda.

Bigla namang nagbukas ang pintuan nang boardroom “Ah, at dumating na ang bagong hahalili sa yumao nating presidente… Criselda I want you to meet mi Unico Hijo Kurt Oliver Trinidad” at napatingin ang lahat sa matipunong lalaki na pumasok sa pintuan nang kwarto, pormadong-pormado ito nara matching tux and pants na talagang nagpatikas pa nang kanyang dating, medyo chinito ang kanyang mata pero di nahahalata dahil sa kanyang glasses na sinusuot. Aminado ang lahat na nandoon na gwapo at malakas ang dating nang batang iyon maliban kay “… Criselda, siya ang papalit kay Carlsen habang nagpapagaling si Luisa, at yun ang desisyon ko, sino ang sumasang-ayon sa akin?” at lahat nang kamay sa board room ay nagsitaasan. Di na nakayanan ni Criselda ang mga nangyayari at umalis nang board room nang walang paalam.

[Lance]

07:00pm

“Marami pala tayong pagkatulad, tol! Pero bakit parang ang seryoso mo?” ngayon lang kami nagkilala nang kakambal ko pero parang matagal na panahon kaming magkasama, ang pinagkaiba lang siya namuhay nang marangya samantalang ako naman ay namuhay sa kahirapan.
“Lance, gusto pa kitang makilala nang lubos at gusto kong malaman kung bakit tayo nagkalayo… mapapahiram mo ba ako nang pera?” tanong niya sa akin.

“aanhin mo ang pera tol?”

“Isa lang ang lugar na ligtas tayong dalawa sa Villa Montenegro, kailangan kong makausap si Yaya Glorya.” At parang dismayado ang mukha niya sa kanyang binanggit.

Tinabihan ko siya at inakbayan, “Wag kang mag-alala pupuntahan natin ang Villa Montenegro sa lalong madaling panahon” ngumiti siya sa akin at ako naman ay napayakap sa akin.

Umalis kami nang bahay noong mga Oras na iyon.

10:00 pm

“Hindi ako papayag na isang baguhang enhinyero ang papalit sa pwestong matagal ko nang inaasam!” galit na sigaw ni Criselda habang binabato ang wine glass na hawak niya.

“Wag kang mag alala Criselda, matutulungan kitang kunin muli ang pwesto, magtiwala ka lang sa akin” sabi anng isang lalaking nakaupo sa lkikod nang desk nang kuya Felix niya sa Mansyon.

“Kelan? Ngayon na nakahanap na ako nang paakakataon dahil namatay ang bastardo kong pamangkin ngayon pa mawawala sa kamay ko ahng kapangyarihan?”

“Huminahon ka, may plano na ako!”

“Ano? Baka bulilyaso na naman ulit yan?”

“Ibabagsak natin ang Montenegro Group of Companies, habang unti-unti nating nanakawin ang pera nito, at kung bagsak na gagawin ka din nilang CEO at hahatid natin ulit ito sa Global market, oh diba. It’s just like hitting two birds with one stone”

“hahahahaha, brilliant idea, maasahan talaga kita” at tinawa lang nito ang nararamdaman buong gabi.

Lingid sa kaalaman ni Criselda ay bumabyahe na papuntang Villa Montenegro ang nooy inaakala niyang patay na pamangkin.

8:30 am
[Lance]

Last trip nung bus papuntang Isabela ang sinakyan namin kagabi at umaga na nang dumating kami sa Villa Montenegro. Pumasok kami sa ibang lagusan, isang kweba na tanging mga Montenegro lang ang may alam.

“Ito yung Escape tunnel na ginawa nang ama ko noon kasama nung bestfriend niya, tinuruan niya ako kung paano makalabas at paano makapasok nang walang may nakakaalam.”

Ilang butas pa ang pinasok namin at nakapasok kami sa isang kwarto na parang bahay ko na kalaki. Dumaan kami sa sahig nito.

“Dito ka lang muna at hahanapin ko si Yaya Glorya. Nang lumabas si Calrsen nang kwarto papunta nang kabilang kwarto si Yaya Glorya na may dalang tray nang Juice, nang makita niya si Carlsen ay nabitawan niya ang tray at napanganga sa nakita.

“Ya, ako to si Carlsen!” sabi niya at agad namang napayakap si Yaya Glorya kay Carlsen. “Nako Hijo salamat sa Diyos at buhay ka, salamat sa puong maykapal at hindi ikaw yung inaakala naming patay na.”

“May nagligtas po nang buhay ko at gusto ko po siyang ipakilala sa inyo” at dinala niya si Yaya Glorya sa kwarto.

Nakaupo ako noon nang makita ako nang matandang babae ay napa nganga lang ito na parang nakakita nang multo, matagal din kaming nagtitigan nang tumayo ako dahil hindi na ako mapakali sa titig niya.

“Yaya, ito po pala si…”

“CLARENCE!”

_Abangan_

5/23/2012

Without You 8




I am so sorry po talaga kung hindi ako nakapagupdate for MONTHS! kasi I was so busy cause I just graduated with a BSN degree!! yehey for me!! oh well Im back and marami pang twist ang kwento kong to... at ang lahat nang ito ay para sa inyo kasi mahal ko ang followers ko!

Bati portion na, Thanks to Miss D. and sir Jayson P., sori po talaga kung hindi ako nakapagupdate :(, Jayfpina na parating nakaabang sa site ko, kina Russ, Rue, joseph, joed12, ramy from qatar, na walang sawang nagpapa-abot nang kagalakan sa kwento ko, andrei, dark_ken, Ross, Coffee Prince, Calle 'aso, Chris, Zirjay S. at sa mga anons at sa mga nag e-mail, type ko pa ulit yung scene na yun... soon you will be updated... thank you talaga mula sa kaibuturan nang puso ko.

Website: urikido.blogspot.com
Email: uri_kido10@yahoo.com
Facebook: www.facebook.com/urikido10
8th Installment na and last nang first part at heto na ang theme song nito nasa video link sa baba :) and don't mind to leave a comment, i would highly appreciate it even if you do go Anon :)

is it truely a happy ending for Caleb and Enzo or will there be a new Name on the story board?



CHAPTER 8: The Sunrise

“Kaya mo ba?” tanong niya sa akin.

“Gusto ko toh, kaya kakayanin ko toh” sabi ko naman.

“Si Andrew yang kalaban mo, kaibigan natin siya baka magkasakitan lang kayo” pagpupumilit niya sa akin habang gumagawa ako nang campaign parafernalias sa boarding house nila. Samantalang siya ay nag eempake nang gamit.

Malapit na nun ang araw nang election sa campus, at marami na akong ginagawa para sa pagtakbo ko nang president nang student body, medyo nagiging busy pero heto pinupuno parin ang pagiging nobyo ni Enzo, parati na nga akong doon sa kanila.

“Di ka na ba magpapapigil diyan sa balak mo?” tanong ni Enzo sa akin.

“Ikaw nga din a mapipigilan ang pag lipat mo kina Mark…” sabi ko nang hindi siya tinitignan. Nang bigla niya akong niyakap mula sa likod.

“Mahal na mahal kita baby ko” sabay halik mula sa batok ko papunta sa likod nang tenga. Mainit ang sensasyong dumaloy sa kalamnan ko noon. Hindi maipaliwanag na kiliti at kuryente na dumadaloy sa katawan, hanggang maabot niya ang aking pisngi, alam ko na ang balak niyang abutin, ang mga labi ko. Pero pinigilan ko na siya sa balak niya, hindi aprin ako nagpapahalik sa kanya kahit kelan.

“Mahal na Mahal din naman kita Dady ko, at aalis na ako kailangan ko pang puntahan si Mr. Reyes sa school, mag-ingat ka sa pag lipat mamaya ha” sabi ko sabay halik sa noo niya. Tumayo mula sa kama niya at lumabas na nang kuwarto.

Di kalayuan ang boarding house nila sa eskwelahan namin kaya nilakad ko nalng ito. Di kalayuan sa eskwelahan may namukhaan ako sa may daanan, pero mas maikli ang buhok niya ngayon, sobrang ikli na hindi ko aakalaing gagawin niya… si SOPHIE.

“Hi!” pagbati ko sa kanya nang nagkalapit na kami. Pero hindi niya ako pinansin at dalidali rin siyang naglakad papalayo.

Late na ako nang maka-uwi sa bahay noong araw na iyon, nagmunimuni ako sa mga narinig ko na nangyari kay Sophie, di ko naman akalain na gagagohin lang pala siya ni Jay nang ganoon. Alam ko dapat kong sabihin na “buti nga sa kanya, niloko din naman niya ako ah” pero bakit parang mas umiiral ang natitira ko pang pagmamahal sa kanya, pero hindi ito pwede, hindi na dapat ako makikipagsapalaran sa mga walang kwentang bagay.

Pumasok ako sa pinto annag bahay namin, hindi ko na binuksan ang ilaw at aakyat n asana nang hagdan nang biglang bumukas ang ilaw, nang napalingon ako nakita ko si papa na nakaupo sa sala.

“Wèishéme xiànzài nǐ zhǐshì? (bakit ngayon ka lang?)”

“Wǒ zhǐshì yǔ péngyǒu wàichū (I was just out with friends)”

“Péngyǒu? Huò nín zhèngzài yùnxíng dì nàgè yúchǔn de xuǎnjǔ? (Friends? Or that stupid election you are running?)”

“Wǒ hái méiyǒu kāishǐ (I haven’t even started with it)”

“Zhè hěn hǎo, yīnwèi nǐ jiāng wúfǎ shǐyòng wǒ de qián, wéi yīxiē yúchǔn de xuǎnjǔ (that’s good, cuz you will not use my money for some stupid election)”

“Shénme? Dànshì, wèishéme bù ne? (What? But why not?)”

“Nǐ yīnggāi xuéxí, jiùshì tā, wǒ méiyǒu wéi nǐ de yúchǔn de wǔdǎo hé bèi dīgū de xuǎnjǔ, nǐ fāsòng nǐ nàgè xuéxiào (You should be studying and that is it, I didn’t send you to that school for your stupid Dance and that underrated election of yours)”

“Xiànzài nǐ yǒu yīgè wèntí yǔ wǒ de wǔdǎo (and now you have a problem with my dancing)” nagalit na ako at lumalakas na ang boses. Nakikita ko na sobrang galit na si papa sa akin, buti nalang at dumating si mama para pigilan kaming dalawa.

“Cóng xiànzài kāishǐ, rúguǒ nǐ réngrán huì tuīdòng, xuǎnjǔ tōngguò, wǒ jiāng zhànshí qiēduàn nín de zhànghù hé xiūjiǎn xiàlái de jīntiē (from now on, if you will still push through with that election, I will temporarily cut your accounts and trim down your allowance.)” his last words before going to his room.

Tears were now filling my eyes and I ran outside of the house and went to that Club that I usually go to para magpakalasing. I just sat in the the bar table and drank till drunk.

It was half past 1 in the morning when “kuya another glass of Bacardy” I said. “Make that two handsome” a familiar voice told the bartender. I looked at the guy blurry and unfamiliar. “Steven? Ikaw ba yan?” I asked.

“Yah it’s me silly, looks like your drunk! What does your sexy ass doing here?” he sat on the empty chair beside me.

“Ayokong umuwi sa amin, nag-away kami ni papa, he always makes me feel vulnerable, ayoko na. Anu nga pala ang ginagawa mo dito? Nasan si Mark?”

“Well he is not here darling lumipat na kasi yung friend niyo, si Enzo, e sasamahan ya daw muna para di ma OP sa mga kasamahan niya sa Boarding house, ewan ko nga ba dun. Mukhang mabigat ang dinadala mo sa ama mo ah” binigay nang bartender ang aming inorder, at kitang kita mo sa mukha ni Steven ang pakikipag flirt niya dito.

“Parati nalang kasi ako, ako na hindi marunong ako na ang walang pakialam sa magiging buhay ko, I was just doing all of this for his sake…”

“What? The Elections? Anu ba talaga ang problema mo?”

“Pera, saan ako kukuha nanag pera para sa lahat nang gastusin eh he will not give me allowance and he even closed my accounts”

“Pera lang ba? Pera lang problema mo? Masusulusyonan ko yan.”

“Talaga? Pahihiramin mo ako?”

“Sure, but I have my conditions… di pwedeng bigay lang nang bigay diba?” ayan na naman yung medyo flirt niyang pananalita.

“What conditions?”

“You will know that later, now lets Drink, Dance and Enjoy” at yun nga sabay na kaming uminom.

Mas lumalim ang gabi at tumama na ang kalasingan ko, umiinit na ang katawan ko at di na ako makakakita nang diretso. Nilabas ako ni Steven sa bar at sinakay sa taxi, di ko na alam kung saan niya ako dadalhin sa mga panahong iyon ang alam ko hindi na ako makabangon sa kalasingan.

The next thing I knew I woke up in a hotel room alone and walang saplot sa katawan, and I was thinking that time on what may have happened the night before when I saw a note on the TV in front of me.

“Thanks I had fun, play mu naman yung CD sa taas nang player- thanks –Steve” yun yung nakalagay sa note. And I played it, at laking gulat ko nang makita ko ang ginagawa ko ang laman nang CD, video anng pinag gagagawa ko the night before, pinasayaw niya ako nang malaswa (galling ko parin sumayaw kahit lasing, isip-isip ko nun) at bigla nalang akong naghubad, striptease at na cut yung video, tapos lumabas si steven sa Vid. “hindi ko naman sinagad ang pagsasamantala kasi hanggang subo lang ang ginawa ko, thanks for the night BTW nandyan ang pera sa side drawer at goodluck na lang sa election” sbi niya sa video na yun. May tiwala ako sa kanya kaya hindi na ako nangamba noong mga panahong yun at umalis na sa hotel at pumunta nanang school para mag finalize nung mga kailangan kung tapusin.

Hindi nagging madali ang election dahil na rin na isa sa mga matagal ko nang kaibigan ang kalaban kong si Andrew, High School palang ay nagging magkaklase na kami pero napilit ko parin siyang kumontra sa akin, oo ako ang pumilit sa kanya dahil mas mapapanatag ako kung hindi man ako ang mananalo dhil siya ang magiging president. Pero di ko sukat akalaing masisira ang pagkakaibigan namin nang dahil kay Jim, kaibigan siya ni Andrew, bakla si Jim pero di kaaya-aya sa inyong paningin.

Sineryoso niya talaga ang election and made situations worst, he started spreading rumors about me and he made me believe that Andrew was the one spreading the rumor and vise versa, sinisiraan ko rin daw si Andrew at pinapalabas ko na bakla siya. Simula noon din a ako kinakausap ni Andrew at dahil kaibigan siya ni Enzo, napaniwala niya din ito na kinakalaban ko ang kaibigan niya.

Dumating si Enzo sa bahay, Wednesday afternoon noon gaya nang ginagawa niya parati. Nang sinalubong ko siya hindi niya ako kinibo. Nang pumasok kami nang kuwarto doon na niya ako kinonfront.

“Talaga bang ganyan ka na ka baba? Para makuha mo ang gusto mo gagawa ka na lang nang kwentong hindi totoo?” paumpisa niya na parang sumisigaw.

“Teka, bakit parang ako ang may kasalanan dito, sila kaya tong naninira sa akin, wala nga akong ginagawa sa kanilang masama at ako pa tong pagbubuntungan mo nang galit?” galit ko ring tugon.

“Sinabihan na kita! Sinabihan na kitang huwag mo nang ituloy to. Dahil masisira lang ang pagsasamahan nating magkakaibigan pero tinuloy mu pa rin, ano klase kang kaibigan”

“Ganoon na lang ba? Mas pipiliin mo pa na kampihan sila kesa sa akin na nobyo mo? Sige ikaw ang bahala, paglabas mo nang bahay ko, isipin mo nalang na wala nang tayo!”

Nagkatinginan lang kaming dalawa, walang imikan, agad din naman siyang umalis nang walang isang salita. Alam ko hindi tama na pagtaasan din siya nang boses, pero lalaki ako, hindi ako marunong umintindi nang madalian, umiiral ang pride bago pa ang lahat.

Hindi ako umiyak di tulad nang dati, pinapasok ko nalang sa kokote ko, panakip butas ko lang siya, panakip butas sa isang relasyong d rin naman nangyari. Nang biglang may tumawag, inuha ko ang cellphone ko, nagmamadli at baka si Enzo yun hihingi nang tawad pero iba ang narinig o sa kabilang linya.

“Hello?” sabi nang lalaki sa kabilang linya.

“hello sino to?”

“Pare ha, matagal lang tayong hindi nagkikita kinakalimutan mo nalang ako”

“Putangina, FELIX!!!! Oh napatawag ka Aya(Kuya)?”

“Im free tonight pwede ka bah? Bonding naman tayo kailangan ko lang nang bestfriend ngayon”

“Sure pare ikaw pa, swerte ko talaga I really need this right now.”

“Sige see you sa bagong Club malapit sa avenue, SoPalace ba name nun?”

“Oo. Alam ko kung saan yun sige kita tayo 8”

Masayang kwentuhan nanaman ang nangyari sa aming dalawa at panay puna namin sa mga babaeng nasa club nang may nakita akong isang pamilyar na mukha sa may bar nang club, nagpaalam ako kay Felix na umalis lang muna para puntahan yung babaeng yun. Kinakabahan akong malaman kung siya nga yun at tama nga ako.

“Sophie?” tanong ko sa babaeng nakaupo na may T-Ice sa kamay, nakita ko nanaman ng napakaamo niyang mukha, the way she looks at me as if I was the last guy on earth and out of the blue she smiled. And I smiled back.

Sophie’s POV

He smiled, oh how I miss seeing those sweet innocent smiles. And everything flashed back in an instant bakit ko ba siya pinakawalan, ako na nga siguro ang pinaka stupid na tao sa buong mundo. At hindi na ako umaasa na may feelings pa siya sakin pagkatapos nang mga nangyari.

“Wow, it’s a coincidence seeing you here…” sabi niya nahiya naman ako.

“Sa kapatid ko yung place at pumupunta ako dito tuwing Wednesday since…” nag aalanganin pa akong pag usapan ang topic pero baka akalain niyang hindi pa ako nakapag move on. “… since the break-up, lam mo naman siguro yun.”

“I’ve heard, wow nice place you have heve at may karaoke stand pa kayo, may kumakanta ba diyan?” at nagtawanan lang kaming dalawa na parang naka bawal na gamot. Namiss ko din na marinig ang tawa niya, at yung mga mata niya parang nakakatunaw parin, di ko akalaing nakatulala nnaaman ako.

“Sophie!” kinuha niya ng attention ko sa pagkakatulala. “Why don’t you join us? Kasama ko best friend ko sigurado ako magkakasundo kayong dalawa” nakakahiya naman na tumangi kaya tumayo narin ako at sumama sa kanya.

“Felix, si Sophie nga pala, yung palagi kong kinikento sayo, sophie si Felix” at biglang tumayo yung lalakeng nakaupo sa may lounge area na kasama ni Caleb.

“NICE to finally meet youy, grabe isang taon nay an ha at di pa kita kilala…” grabe ang tawa niya habang kinakamayan ako. “Akin ka nalang Sophie!” at binatukan siya ni Caleb, “ulol…. Wag ka ngang ganyan pare” sabi pa ni Caleb. Tawa naman nang malakas si Felix, “Sabi ko na nga ba mayt gusto ka pa sa kanya eh” nabigla ako sa sinabi ni Felix at napatingin kay Caleb. Kung d ako nagkakamali namula ang pisnhgi niya, di kasi halata sa madilim na lugar.

Lumalim ang gabi at naging maganda ang takbo nang lahat except kung mahuhuli ko si Caleb na tumitingin sa akin. “Pare kumanta ka naman doon ang sasagwa nang mga kumakanta eh please naman pare!!!” sabi ni Felix habang may hawak na tinidor na tinutok kay Caleb “oh sige na pare” napabuntong hininga si Caleb at mukhang hindi na pipilitan sa kanyang ginagawa.

Nang umupo na siya sa harap at kumuha nang guitara biglang bumilis ang tibok nang puso ko, hindi ko gusto ang nangyayari dahil sa huling beses na narinig ko siyang kumanta nahulog ang puso ko para sa kanya at ngayon ayaw kong mangyari yung muli.

“This song is dedicated to what should have and should be…”

http://www.youtube.com/watch?v=wBtMQ4bt3bI

at pagkatapos nang mga oras na yun naramdaman ko nang tumulo ang luhang namuo sa aking mga mata tumayo ako at tumakbo papalayo, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko oh saan ako pupunta anng mga oras na iyon. At napadpad lang ako sa rooftop nang building na inuupahan nang bar.

Nakatayo lang ako at pinapanood ang mga bituin sa langit. At hindi parin humuhupa ang agos nang mga luha na nang gagaling sa aking mga mata. “Bakit pa ba kita niloko!” napasigaw ako. “Mahal parin kita CALEB TAN” napasigaw ako ulit nang biglng naramdaman kong may biglang yumakap sa akin mula sa likod narinig kong umiiyak din siyang kagaya ko, “I… I’m… so..sorry” utal utal nitong binangit habang nakayakap sa akin. At hinarap ko siya dahil alam kong si Caleb yun.

Nagkatitigan lang kami at sinuol ko siya nang halik bagay na matagal-tagal ko narin gusting maramdaman ang halik nang isang tunay na pag-ibig. At lumiwanag ang paligid dulot nang araw na lumabas mula sa silangan.

-END-
_nang part 1 lang_

ABANGAN

12/13/2011

Without You 7

Sorry po talaga dahil matagal na akong hindi nakapag-update... been busy with internship duties the whole time hindi ako makapag touch nang computer.

Thank you nga pala sa lahat nang bumasa at nagsusubaybay nang Without You. Don't worry po tatapusin ko po talaga itong kwentong to. and abangan niyo rin po ang part 2 nang Exchange of Hearts :)

Bati portion na, Thanks to Miss D., sir Jayson P., bagong blog bagong buhay, hehehe, Jayfpina na parating nakaabang sa site ko, kina Russ, Rue, joseph, joed12, ramy from qatar, na walang sawang nagpapa-abot nang kagalakan sa kwento ko, andrei, dark_ken, Ross, Coffee Prince, Calle 'aso, Chris, Zirjay S. at sa mga anons at sa mga nag e-mail, type ko pa ulit yung scene na yun... soon you will be updated... thank you talaga mula sa kaibuturan nang puso ko.

Website: urikido.blogspot.com
Email: uri_kido10@yahoo.com
Facebook: www.facebook.com/urikido10

7th Installment na and more to go and don't mind to leave a comment, i would highly appreciate it even if you do go Anon :)

Sa mga panahong labis na nasaktan si Caleb ano kaya ang nararamdman nag bidang si Sophie?

CHAPTER 7: Failure of Success

Sophie’s Story

Naghihinala na siguro si Caleb sa akin. I need to put an end to this.

Caramel”,): Magkita tayo sa simbahan this 4pm

HoTfUDge<3: What is this all about?

Caramel”,):Basta magkita nalang tayo doon.

HoTfUDge<3: Sige may sasabihin din naman ako sayong importante eh.

Alas quarto y media na nang dumating ako gusto ko talagang mauna siya sa akin. He was sitting on his favorite spot nung nadatnan ko siya. Looking blankly across the chapel. Tinabihan ko ito.

“Akala ko di kana dadating” sabi niya na hindi ko naman pinansin, nakatitig parin siay sa kawalan. Tahimik kaming dalawa walang may gustong mag-umpis. Kinakabahan ako sa mga nangyayari hindi ko alam kung saan maguumpisa.

“Anu nga pala yung sasabihin mo?” sabay naming nasabi. “sige ikaw na mag umpisa” sabi ni Caleb sa akin. “Hindi ikaw na mag umpisa” I insisted. Then nagkahiyaan na naman kami, halos mga minute din ang binilang ko, puro kaba ang nasa isip ko. Uumpisahan ko na sana nang biglang.

“totoo ba?” atnong niya sa akin nang biglang tumodo ang kabog sa aking dibdib. “ang alin?” agad ko namang sinagot na para bang wala akong alam.

“Yung sa inyo ni Jay?” bigla niyang tanong habang tinitigan ako sa mga mata… aapila pa sana ako ngunit di ko na nagawa, tumango nalang ako sa pag aamin na kasalanan ko.

Lumipas din ang ilang Segundo bago siya nagsalita ulit. “kasalanan ko ang lahat” nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi ko ito sinang-ayunan. “hindi ako ang may kaslanan, you trusted me with my yes na ligawan mo ako pero nagpaligaw din naman ako sa iba”

“no its not you! Its me… I wasn’t consistent with my thoughts and my feelings for you… kaya siguro nakahanap ka nang ibang taong makapagbibigay sa iyo noon. I was the one who pushed you away, wala kang kasalanan Sophie, ako ang nagkulang… pinaubaya ko sa iba ang dapat ay sa akin” he grabbed my hand at nangiyakngiyak.

“bago ka pa mag desisyon please give me a chance… please let me win your heart again this time gagawin ko ang lahat para mabalik ka sa akin… I won’t loose you without giving a fight!” nagulat ako sa sinabi niya, akala ko ay he will give me up that easily, yun pala ay hindi.

Mas naging malakas ang loob kong ibigay kay Caleb ulit ang buong puso ko pagkatapos nang tagpong iyon, papauwi n asana ako na may mga ngiti sa labi ko nang bigla akong tinawagan ni Stanley kaibigan ni Jay sa basketball.

“Sophie, Nasaan ka ngayon?” sabi niya.

“Pauwi na ako Stan, bakit anu ba ang nangyari at napatawag ka?” tanong ko.

“Si Jay dinala namin dito sa Ming-Tan Hospital, sinumpong na naman siya nang migraine niya, puntahan mu siya dito please kailangan ka niya.” Tinapos din niya ang tawag. Agad din akong sumakay nang taxi papuntang hospital.

Pagdating ko doon nasa room na si Jay, room 260 yun pagpasok ko ay si Stanley nalang ang natira doon. “Salamat naman at dumating kana Sophie, alis na kasi ako kanina pa ko hinahanap ni nanay eh” nagpaalam din naman siya at hinintay kong magising si Jay, hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa inuupan ko sa tabi nang kanyang kama.

Nagising nalang ako nang naramdaman kong sinusuklay nang kamay niya ang buhok ko. Nagising ako at tiningnan ko siya “Salamat sa pagbantay sakin best ha… the best ka talaga.” Ngiti lang siya nang ngiti, nakakahumaling ang mga ngiti niya. “kaya nga mahal na mahal kita” agad niyang dagdag.

Biglang pumasok ang Doctor, medyo bata pa ito at may kagwapuhan. “Hello, I’m Doctor Lim, are you his sister?” tanong niya sa akin.

“Bestfriend lang po niya ako” sabi ko naman. “Oh, I see… Uhm Mr. Dela Fuente, I have a good news and a bad news, alin ang gusto mung unahin ko” sabi nang doctor. Agad na hinawakan ni Jay ang mga kamay ko at tiningnan ako na puno nang kaba. “Doc unahin mo na ang bad news” sabi pa niya.

“Okey, May tumor kaming nakita sa iyong right parietal lobe…” nagulat ako sa narinig at naramdaman kong mas naging mahigpit ang hawak ni Jay sa kamay ko. “… But the good news is… it’s benign. Hindi ito kakalat and it’s not that serious, kailangan lang namin itong kunin through and operation” nakahinga ako sa sinabi nang doctor at nakita ko sa mga mata ni Jay ang mga luha nang kasiyahan. Tinawagan niya agad si mama niya na nasa ibang bansa para ibalita ang kanyang kondisyon.

“Can I talk with you outside?” sabi nang doctor sa akin.

Lumabas kaming dalawa at nagusap kami sa hallway nang 2nd floor nang hospital.

“You are Sophie Aldeguer am I right?”

“Yes sir, uhm how did you know my name?”

“I’m Dr. Janshen Tan-Lim, Pinsan ako ni Caleb, and I know about you two, kung hindi mo kayang panindiagan ang pinsan ko please iwan mo na siya, kasi nakikita ko na hindi lang isang kaibigan ang turing ko sa kay Jay, and we both know that, kaya ako na ang nagsasabi sayo, leave my cousin alone para din naman ito sa inyong dalawa”

Nabigla ako sa sinabi ni Doc kaya pala kanina pa niya ako tinitignan, kilala niya pala ako. Bigla kong naalala si Caleb nang mga panahong iyon, hindi ko siya kayang iwan kaya napag desisyunan ko din noon sa kinatatayuan ko na iiwan ko na si Jay para kay Caleb.

Pumasok ako ulit sa kwarto at alam ko na ang sasabihin ko kay Jay, pero nabigla ako nang niyakap niya ako nang mahigpit. “Sophie, Ngayon kita kailangan… ako nalang ang piliin mo, hindi ko to kakayanin kung mawawala ka, please!” naramdaman ko na tumulo ang luha niya sa likod ko, and I had no choice hindi ko kayang iwan siya ngayon, ngayon na may sakit siya.

Araw din ang lumipas, hindi ako nagpaparamdam kay Caleb, kung kakayanin niya ang maghintay sa akin ay siya parin ang pipiliin ko pagkatapos nito. Sana ay kakayanin niya, kahit hinding hindi ko na kaya.

Birthday ko noon at may matagal na kaming plano na lalabas noong araw na iyon, kaya sobrang saya ko, ngunit hindi ko magawang ipakita sa kanya ito dahil alam kong masakit na para sa kanya ang nangyayari. Marahil ay naramdaman niya ito nang lumabas ako nang bahay para umalis na kami.

“thank you!” sabi niya.

“Sa alin?” sagot ko.

“Sa pagpayag na samahan mo ako ngayong araw?” dugtong pa niya.

Blanko ang emotion ko, pero alam kong hindi niya na talaga kaya, at namumuo na ang luha sa mga mata niya, hindi ko siya kayang makita nang ganon, doble ang sakit para sa akin.

“halika na!” sabi ko sa akin sabay lakad papalayo, para hindi niya mahahalata ang mga luha ko para sa kanya. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at hinila ako pabalik sa piling niya.

May kinuha siya sa kanyang bulsa, “Shit parang singsing yun ah, anu toh, wag naman ganito” sabi ko sa sarili at agad niya itong sinuot sa daliri ko. “Happy Birthday!” sabi niya, at bumuhos na ang luha mula sa mga mata ko at tinignan ko ang singsing sa daliri ko, hindi parin ako makapaniwala na sa araw na ito pa. Bago kasi mamatay si lola ay sinabihan niya ako na “ang singsing ang simbulo nang wagas na pagmamahal at kung sino man ang taong nagmamahal sayo nang tunay ay siyang magbibigay sayo nang un among singsing.”

“Mahal nga niya ako, at mahal ko rin naman siya” sabi ko sa sarili. Pinatingin niya ako sa kanya at nakikita ko na naman ang kanyang mga mata, ang mga matang nagpahulog sa akin noong una palang kaming nagkakilala. Gusto ko siyang halikan at sabihin sa kanyang mahal na mahal ko siya.

“let’s stop pretending now, ayokong nasasaktan ka sa mga ginagawa ko, I know I lost this fight… matagal na, gusto ko lang isauli sayo ang mga nagawa mu sa aking kabutihan, at kung meron man eh pagmamahal narin” sabi niya sa akin nang maiyakiyak.

“Caleb…” gusting gusto ko na talagang umapila at sabihin sa kanya ang lahat-lahat.

“Stop it… masasaktan lang ako kung anu man iyang sasabihin mo maraming salamat sa lahat lahat Sophie”

Tumalikod siya at naglakad papalayo.Tumalikod siya sa akin “Goodbye Sophie!”

Agad akong tumakbo papasok nang bahay, at binuhos lahat nang hinanakit at hikbi sa kwarto ko, napakasakit alalahanin ang lahat-lahat, masakit isipin ang mga panahong dapat ay amin pero hindi nangyari, napakasakit ang sakit.

Tumawag si Jay, ayoko sanang sagutin pero naka dalawampung miscall na siya kaya nag aalala ako. Sinagot ko ito pero hindi ako nagsalita. “nasalabas ako nang kwarto mo at kanina pa kita naririnig diyan sa loob, papasukin mo na ako oh.”

Pinapasok ko siya at nakita niya ako na umiiyak, niyakap niya ako at pinatahan, pinabihis at linabas nang bahay, sobrang hina na ako nang mga panahong iyon kaya wala na akong ginawang pagtutol sa ginawa niya. Kumain kami sa restaurant na paborito niya.

Malapit kami sa may bintana nang restaurant, nag-uusap kami nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko “sa makalawa na ang operasyon ko, at alam kong pwede ko din na ikamatay ito, kaya kahit na ganun gusto kong maramdaman na ako ang pipiliin mo” sabi niya sa akin. “Please be mine Sophie, and you will never cry again, ikaw lang talaga ang mamahalin ko just give me a chance.” At nilabas niya ang singsing sa loob nang isang box na pula, hindi ako ngumiti o nagbigay nang kahit anung hiwatig nang pagiging masaya pero tiningnan ko ang singsing ni Caleb na suot-suot ko pa noon. Nakita siguro ito ni Jay saka niya kinuha ang singsing at pinalit ang singsing niya, at hinalikan niya ako doon din, unang halik niya sa akin, halik na wala akong naramdaman, na hindi ko ginantihan, ngunit ako ay nagpa-ubaya, at wala nang nagawa.

Tama nga kayo, naging kami ni Jay, at tuluyan na niyang napuno ang pagkukulang ni Caleb na naging sanhi nang madali kong pagkalimut nang aming dalawa. Kaya ang minsan naging pangarap lang ay tuluyan na naging pangarap magpakailanman.

Pero di din ito nagtagal… iniwan din niya ako para sa iba.

_Abangan_