U-Play

9/11/2012

Exchange of Hearts 4



Chapter 4: Lihim

Isang sasakyan na mabilis ang takbo ang kasalukuyang nagpapalitan nang putok sa sasakyan na humahabol sa kanya. Sugatan ang driver nang sasakyang ito at tila di na nakakapagmaneho nang maayos nang biglang nahulog ang sakayan sa bangin. May dalawang matandang magbubukid na nakakita sa nangyari at tinulungan agad ang taong nag drive nang kotse, nung dinadala nong isa ang tao sa malayong lugar naiwan ang isa upang maghanap annag mahahalagang bagay, nang biglang narinig nang matanda “iputok mu na at ipasabog yang sasakyan nang matuluyan na yan” at biglang sumabog na lang ang sasakyan habang nadoon pa ang matandang lalaki.

Ilang minuto na din ang nakalipas nang madala sa isang pampublikong ospital ang driver nang sumabog na kotse. “Nurse tulungan nyo po kami, nakita ko po siya sa isang accidente sa kalsada” sabi nang angdala sa kanya. Nang nakita ito nang isang estudyanteng nurse nagulat ito at namutla di alam ang gagawin, halos di makilala ang lalaki sa mga sugat nito sa mukha.

Nilapitan sila nang doctor habang pinapahiga nang ibang nurse ang pasyente sa higaan, nag assess ang doctor sa pasyente at wala namang nakitang malala sa bata maliban sa kanyang sugat sa noo, Nilapatan na nang lunas at oxygen ng mga Nurses ang pasyente nung kinausap nang doctor ang nagdala sa kanya, hinay-hinay na man na lumapit ang estudyanteng nurse sa pasyente para tignan ito nang mabuti nang malinis na ang mukha nito ay nagulat siya sa nakita.

“Lance!” Sigaw pa nito.

“Kilala mo ba itong lalaking to iho?” sabi nang doctor sa kanya.

“Opo, Bestfriend ko po ito, anu po ang lagay niya doc?”

“Stable pa naman ang lagay niya, humihinga siya nang normal pero ang kinakabahan ko if my internal injuries siya na di natin nalalaman kailangn niyang e CT scan na wala naman tayo dito, may contact ka ba sa mga magulang niya o kung sino man ang pwede nating makausap para sa costudiya niya?”

“Ulilang lubos na po siya, kapitbahay po kami at kami nlng po ang nagdadamayan sa kanya, pwede po akong immediate guardian, Refer nlng po natin siya sa ospital sa maynila, para po makakuha tayo nang magandang findings”

Pagkatapos nang paguusap nilang dalawa ay di na mapakali si Dennis sa nangyari sa kaibigan, pano humantong sa ganito ang sitwasyon? At mukhang kinakabahan siya sa mga susunod na mangyayari.

[Dennis]

Maaga pa nung na refer siya sa ospital malapit sa amin at pinagdaanan na niya ang mga test na kailangan niyang kunin, sa puntong ito di ko parin lubos naisip bakit nagkaganito siya? Nawala siya nang maraming araw tapos makikita ko siya ngayon nakaratay sa ospital na ito.

Nakatayo lang talaga ako sa paanan nang kanyang higaan nang dumating ang doctor na tumingin sa kanya, “Ikaw ba ang kapatid niya?” tanong nito sa akin na nakatulala lang sa kaibigan ko.

Nagulat naman ako pero malumanay ko paring na tanong ang doctor “Ah… Besfriend po niya ako, at guardian narin po, may resulta na po bah?”

“We found a epidural hemorrhage dito banda sa gitna nang frontal at parietal area niya, malala ang sitwasyon and we need to surgically remove the hematoma bago pa lumala ang kaibigan mo”

Nanlumo ako sa narinig ko, bilang nursing student alam ko na malala ang sitwasyon niya, and worst pwede niya talaga itong ikamatay.

“We have prepared the Operating Room and we need to subject him for craniotomy fast and…”

“Gawin niyo na doc” Pagbara ko sa doctor, “di na tayo magtagal pa, baka mas lalong lumala, ako nap o ang pipirma nang consent, gawin niyo lang po lahat para sa kaibigan ko…” maluhaluha kong sabi habang napatingin ako sa kanya. “… ayoko siyang mawala. Mahal na mahal ko po siya!” at dagling dumaloy ang tubig sa aking pisngi.

At inayos na nila ang lahat at dinala si Lance sa OR, habang nandoon lang ako nakatayo sa isang tabi. Hanggang sa may babaeng yumakap sa akin, dumating na pala ang kaibigan kong si Beth.

“Friend, I came here as soon as I heard, anong lagay niya okey nab a siya?”

“Na.. nasa OR siya ngayon, he is undergoing Craniotomy…” at napahagulgol na ako sa iyak habang yakap yakap ko siya. “Beth, bakit siya pa? bakit sa lahat nang tao siya pa?”

“Napakabait niya, matulungin, maalaga, lahat na siguro nang kabutihan nakuha na niya pero bakit sa kanya pa nangyari to? Sana ako na lang ang nasagasaan sana ako na lang ang nandoon ngayon at hindi na siya”

[Kurt]

Gabi na pero magisa pa rin ako sa opisina ko sa harap nang view ko nang buong Makati, hawak ang baso nang Scotch sa kamay ko. At naalala ko ang nakita ko kanina sa libing, Hindi ako makapaniwala pero alam ko buhay pa si Carlsen, buhay pa ang KAPATID ko.

Di ko man maamin sa lahat pero karapat dapat din ako sa companya dahil isa din naman akong Montenegro, anak ako ni Felix sa kasintahan niyang si Hera, di sila nagkatuluyan dahil na arrange na ang kasal nila ni Luisa. Di ko man sila nakilala nang lubos ay napamahal din ako sa mga umampon sa akin noong namatay ang nanay ko sina Don Diego Trinidad, alam nila ang tunay kong pagkatao, hinubog nila kung ano man ako ngayon at tinuring nila akong parang sariling anak.

“Buhay ang kapatid ko, pero nasaan siya? Kailangan ko siyang makita, kailangan niya akong makilala, ako na ang po-protecta sayo bunso, umuwi ka lang kay kuya” Isip-isip ni Kurt noong mga panahong iyon.

“uhhmm…” sabi nang isang pamilyar na tao na nilingon ko naman. Si Eunice pala yun.

“Gabi na po sir, bat po nandito pa kayo?” sabi niya na parang nahihiya pa. Tumalikod lang ako sa kanya makikita ko sa reflection nang bintana na mukhang nadismaya ito at nagbalak nang umalis “Samahan mo muna ako!” sabi kong bigla.

Pero lumabas pa din ito, napatingin naman ako sa kinatatayuan niya at nadismaya sa nakita. Mas lumalim ang naisip ko, mula noon hanggang ngayon mag-isa lang ako, mag-isang tumataguyod sa sarili ko. Napalapit ako sa desk ko at napaupo, at napatong ko ang manga kamay ko sa lamesa at hinigaan ito.

At ilang sagliut lang narinig ko na may pumatong nang baso sa lamaesa napaharap ako dito, si Eunice pala may dalang kape. Nang makita ko ang mukha niya nakita kong mabuti ang talagang napakaamo niyang mukha at ang mga ngiti niyang nakakaakit.

“Alam niyo po, di po dapat pinapansin ang problema, isa lang po itong pagsubok nang diyos…at wala po siyang pagsubok na binibigay na di natin kayang lampas an, ngiti na po kayo.” Sabi niya na parang wala lang dinadalang puot at galit.

“Alam niyo po, gawin niyo na po ang lahat nang bagay para maging Masaya ngayon, di niyo po alam baka magaya lang po kayo kay Sir Carlsen, nawala nang maaga, kaya wag niyo pong ituon sa problema lahat nang attension niyo, maging Masaya naman po kayo.”

At isang ngiti lang ang naibigay ko sa kanya. At biglang dumating si Valerie “uhgm Mr. Trinidad?” sabi niya na naka tayo sa may pintuan nang opisina ko “Matutuloy pa ba ang dinner natin?” tanong nito.

Tumayo ako at pinuntahan siya sa may pintuan, at bago umalis nilingon ko si Eunice.

“Thanks for the Coffee!” at binigyan siya nang malambing na ngiti.

{After 2 months}

Sumama narin si Criselda kina Elenor at Luisa sa states para pamahalaan ang ipapatayong expansion nang Montenegro companies sa New York. Matiwasay pa naman ang pamamalakad ni Kurt sa companya at mas lalong naenganyo ang mga trabahador nila dahil sa pamamalakad nito.

Umalis na din si Lance at pumunta sa Paris kasama si Caleb, doon siya huhubugin ni Caleb sa lahat nang kailangan niyang malaman para mag-umpisa nang isang negosyo, at doon din siya magpapatuloy nanag pag-aaral, nanibago man siya sa bagong sitwasyon ay tinatagan niya talaga ang loob niya para sa kakambal na akala niya noong patay na.

Habang si Carlsen na napagkamalan ni Dennis na si Lance ay nasa state of Coma parin pagkatapos nang kanyang sugery. Mahigit dalwng buwan na siya sa ganoong estado at hindi na alam ni Dennis kung magigising pa ang inakala niyang kaibigan.

[Dennis]

“Ilang araw ka nang nakaratay sa higaan na iyan” malungkot na sabi ko sa matalik kong kaibigan. Hawak-hawak ko ang kamay niya at hinihintay ko na magkaroon siya nang kahit anu mang reaction pero ilang araw na akong nabibigo.

“Miss na miss na kita Lance, alam ko naririnig mo ako… alam mo na Mahal na Mahal kita at di ko kayang mawala ka sa buhay ko Lance”

Hanggang sa tumulo na lang bigla ang mga luha ko at nakita kong gumalaw ang kamay niya.

“Lance!” parang nabigla ako na natuwa na ewan ang ambivalent nang feeling ko noong mga panahong iyon, pero biglang “toooooooot, tooooooooot, tooooooot” humuni yung cardiac monitor niya. Natarnta man ako ay natawag ko pa din ang nakatokang nurse sa station.

Pumasok sila pati ang mga doctor, at sinimulan nilang e CPR si lance, nataranta na talaga ako dahil nagiging flat line na kanyang cardiac monitor.

“Lance, nagkakamalay ka na, wag mo akong iwan” sabi ko na nagsimula nang mapaluha.

“Sir, sa labas nlang po muna kayo” sabi nang isang nurse sa akin. Sumama naman ako sa kanya at napaiyak na lang sa lobby, nawawalan na ako nang pag-asasa mga nangyayari.

Ilang minuto pa lang ang nakalipas ay lumabas na ang doctor at sinabing okey na ang lagay niya at nakita nila na gumana na ulit ang vital organs niya kaya kinuha nlng nila ang Mechanical ventilator at titingnan nila for 24hours kung may progress na ang kanyang lagay.

Bumili nalang ako nang kape at pagkain sa labas nang ospital, mga alas dos na nun nang madaling araw.

Nang makabalik na ako dire diretso akong pumasok at pinatong lahat nang mga pinamili ko sa lamesa.

“Lance ko, namili ako nang pagkain oh, yung paborito nanting Chicken Skin, miss ko na tong kainin kasama ka, kelan ka pa ba gigising?” Utal ko.

“Sino ka?” nagsalita ang lalaking nasa kama. Kinabahan ako pero parang natutuwa sa narinig ko, GISING na ang bestfriend ko.

“LANCE” napalingon ako sa tuwa.

“Lance ba pangalan ko? Nasaan ako? Anung nangyari sakin? Sino ka?” parang hindi magandang panghitain sakin ang pinagsasasabi ni Lance. Lumabas ako para tawagin ang doctor para maobserbahan nila ang mga nagyayari.

“I’m Sorry to say this but he has Post Traumatic Amnesia, normal sa mga may epidural hematoma tong kandisyon na ito, at hindi tannin malalaman kung babalik pa ba ang kanyang memorya. Ang kailangan niya ngayon ay ang pagmamahal at suporta galling sa mga nagmamahal sa kanya”

Umalis na ang doctor nang magpakilala ako sa kanya.

“Pwede mo nab a masagot ang mga tanong ko kanina?” tanong niya sa akin.

“Ikaw si Lance Mercado, 21 ka na, nandito ka dahil na aksidente ang sasakyan na minamaneho mo”

“eh sino ka naman?”

“Ako si Dennis, bestfriend mo…” sabi habang papalapit ako sa kanya.

“… at Boyfriend mo!”

_Abangan_

8/14/2012

Exchange of Hearts 3

Hello po sa inyo lahat na patuloy na nagsusubaybay sa at tumatangkilik sa mga kwento ko. Unang una po nahihiya po ako ngayon sa inyo dahil ilang buwan na din ako naging inactive sa pag post nang mga kwento ko. especially po ang update nang Exchange of Hearts na napakarami nang tumatangkilik and it is so overwhelming to hear comments and violent reactions from my readers it really help me grow as a writer. 

Pangalawa po, ibibigay ko po ang rason kung bakit ako nawala nang matagal, I have been struggling with my studies and paperworks for my upcoming board exam and hindi ko madugtungan ang kwento dahil nagaaral pero i really try to put more inputs para maganda kaya medyo matagal talaga.

Sa ulit po I am very sorry! sana po ay patuloy niyo apng tangkilikin ang kwento... salamat po and enjoy chapter 3 of Exchange of Hearts. 


Chapter 3: Litrato

[Kurt]

“I was there when it all happened, the night of the tradgedy that happened to Carlsen… magkababata kami niyan, naalala ko noong nag kakilala kami sa school, binubuly kasi ako noon, lampa, payat, nerd… but he stood for me. Since then naging mag best of friends kami niyan. Parati kami magkasama, we play basketball together, lumalabas tuwing hapon, kasama nga rin niya ako nung niligawan niya yung classmate namin.

Until, one day nawala ang Daddy niya, ako ang taong palagi niyang tinatakbuhan noon, umiiyak siya, parati niyang sinasabi na miss na miss na niya ang daddy niya at ito raw ang tanging nagmamahal sa kanya nang lubos. I left for the States that same year, my mother married her business partner at that time and we all migrated there.

Di ako nakapagpaalam nang maayos, dahil alam kong it would be hard seeing him in that depressive situation, dahil dun I promised na when I return gagawin ko ang lahat para mapasaya ang kaibigan ko kaya sososrpresahin ko sana siya sa birthday niya… pero di ko akalaing yun na ang huling araw niya sa mundong ito.”

Maluhaluha akong nagsalita sa necrological service para kay Carlsen, di ko sukat akalaing din a kami nagkita muli pagkatapos nang matagal na panahon. Kinuha ko ang microphone at lumapit sa mga labi niya at maluhaluhang sinabi na

“Paalam aking kaibigan, hanggat magkita tayo ulit, and don’t worry the company that you have been saving for the last 5years… You will be my inspiration bro”

Natahimik ang lahat nang tao sa simbahan, araw ito nang kanyang libing pero puro pamilya lang niya ang nandoon at mga matatalik na kaibigan, ibang empleyado na forced pang pumunta. Alam kong hindi naging mabuting boss si Carlsen pero hindi nila alam ang dinaan niya bago pa siya nang president nang companya na pag-aari din niya.

Nang may nakaagaw nanag attensyon ko sa may bulwagan nang simbahan, isang lalaking nakaputi na namumukhaan ko, at nagtinginan kami mata sa mata, nang mamukhaan ko na siya ay gulat ang namuo sa aking mukha “It can’t be” at ang hawak kong mikropono ay nahulog at umalingaw-ngaw ang di magandang tunog dahil sa feedback, di ko ito pinulot dahil nakatunganga parin ako sa kinalalagyan nang lalaki na bigla namang umalis.

Humingi ako nang paumanhin kay Tita Luisa at nagdalidali akong lumabas nang simbahan para habulin ang taong yun, nang makita kong pumasok siya sa isang maitim na kotse na parng nagmamadali pero nakatingin pa siya sa akin…

“CARLSEN”

[Kahapon sa Villa Montenegro]

“CLARENCE” sabi ni yaya Glorya na namuti bigla sa kanyang kinatatayuan.

“Sino po si Clarence?” tanong naman ni Lance na nahihiwagaan sa mga kilos ni yaya Glorya.

“Hi- hindi… Carlsen ang sinabi ko, wala akong sinasabing Clarence anu ka ba” sabi ni yaya glorya na napalitan nang ngiti ang mga labi nito habang tinititigang mabuti si Lance.

“hali ka nga dito iho” dugtong pa niya. Lumapit naman agad si Lance at niyakap siya ni yaya Glorya nang mahigpit. Nang napakahigpit.

Gabi na nang nakapagpahinga ang kambal sa kwarto ni Carlsen. Di man sila sanay na magkatabi matulog ay kailangan kasi wala ni isang empleyado sa mansion ang may alam na nandoon sila maliban kay yaya Glorya.

“Carl… anu na ang plano mo ngayon?”

“Kailangan kong malaman ang may gawa nito Lance… at sa lalong madaling panahon, ayoko na may madamay pa sa mga pangyayaring ito, ayoko na pati si Mama ay madamay.”

Nang may kumatok sa may pinto, na nagbukas naman dahil ginamitan nang susi, si yaya glorya pala yun na may dalang pagkain.

“kain muna kayo mga anak” hindi mawala sa mukha niya ang ngiti.

“nabalitaan ko na gusto ni Tita Criselda mo na kunin ang pwesto mo sa pagka president” dagdag pa ni yaya glorya habang kumakain ang dalawa.

“Sabi ko na nga ba si Tita Criselda siguro ang may tangkang pumatay sakin dahil gusto niyang kunin ang pwesto ko sa Companya.” Sabi ni Carlsen na may halong galit.

“at least ngayon may lead na tayo tol, lets start there.” Sabi ni Lance.

“pero hindi siya nagtagumpay anak, yung anak ni Mr. Trinidad ang pumalit sa puwesto mo.” Sabi ni yaya Glorya. Nagtinginan lang ang kambal.

[Sa Montenegro Company]

9:00pm

“Mauna na kami umuwi Eunice” sabi nang isang katrabaho ni Eunice sa Companya.

“Sige tatapusin ko nalang itong financial statement para kay Mr. Trinidad bukas” Sagot ni Eunice.

Madilim na ang buong 35th Floor kung saan ang opisina nang president, akala ni Eunice wala nang tao at siya nalang ang nagtatrabaho nung mga oras nay un. Kaya tutok na tutok siya sa gawain. Nang bglang nag ring ang telepono.

“hello Dad?”

“Princess, buti naman sinagot mo na mga tawag ko”

“Dad, uulitin pa ba natin to? Di ako uuwi hanggang I can prove my worth to you and to be what I want to be”

“Alam ko naman yun princess,I Just want the best for you. Nagtatrabaho ka bilang secretarya na pwede ka namang maging Boss sa Marketing department natin. Anak Valderamma ka, hindi mo na gawain yan.”

“I told you, I can only live up to my Family name kung alam ko nang kayak o, ayoko mangyari sakin ang nangyari kay kuya. Never.” Sabi ni Eunice habang naglalakad papuntang restroom.

Lingid sa kaalaman niya basa ang sahig dahil kakamop lang ito nang janitor, at nung malapit an siya sa pinto ay nadulas ito buti nalng at may lalaking nakasalo sa kanya. Si Kurt.

Nahihiya man si Eunice eh tumayo siya nang matuwid at angpaumanhin sa kanyang amo.

“Sorry po talaga sir, hindi ko po alam na basa ang sahig” napayuko lang siya nang sianbi niya iyon.

Hinawakan ni Kurt ang baba niya at inangat ang ulo nito, at kitang kita sa mukha ni Kurt na natatawa siya, pero ang mga ngiti niya ang nagpahanga sa kay Eunice.

“It’s okey, at least no body got hurt.” Sabi niya. Pero di kumikibo si Eunice at nakastick lang talaga ang mata niya kay Kurt.

“next time be careful…” sabi ni Kurt habang pabalik sa opisina niya, pero napako parin ang tingin ni Eunice sa kanya.

Nilingon siya nito “and Eunice, Cancel all my meetings tomorrow and come with me.” Sabi niya.

“Ha? Sir?” mahinhin na sagot ni Eunice. Iniisip niya kung bakit siya niyayaya nito na lumabas sa susunod na araw.

“to the Funeral… remember?”

“ah, yes sir.” As a sign of relief.

“Good see you tomorrow then” he said entering the room.

[Villa Montenegro]

Nasa kusina si yaya Glorya nang tumunog ang telepono nito.

“Hello Glorya” isang lalaki na malalim ang bosses ang nagsalita sa kabilang linya, pamilyar ang boses niya.

“Sir Felix!” sabi ni yaya na may galak. Simula noong Nawala si Felix alam na ni yaya Glorya kung nasaan ito, may nagtangka din kasi sa buhay niya at kasalukuyan niyang iniimbestigahan ito, pero sampung taon na ay wala parin siyang nahanap.

“Nabalitaan ko ang nangyari kay Carlsen, di ako makapaniwala…” nang pinutol ito ni yaya.

“Buhay si Carlsen!”

“Ano? Buhay siya?”

“Oo, nandito siya sa Villa Montenegro, at ligtas siya dito Felix” at di naman makapagsalita si Felix sa kabilang linya.

“Hindi lang siya ang buhay…” dugtong pa ni yaya “… Pati si Clarence buhay din!”

“Wag kang magloko nang ganyan Glorya, kitangkita mo noon na walang buhay ang bata nung ipinanganak siya” galit an tugon ni Felix sa kabilang linya.

“Oo Felix, pero kahit ako hindi makapaniwala, pero tadhana na ang nagdikta nang mga pangyayari at nagkita na silang magkambal”

Samantala sa kwarto habang naguusap sila Lance at Carlsen, tinitignan nila ang mga photo album nila Carlsen.

“Yan yung time na nag waterslide kami ni papa… yan ang pinakamasayang araw nang buo kong buhay” sabi ni Carlsen habang tinuturo ang isang lumang litrato.

“I envy you, you had a good childhood.”

“Oh bakit naman?”

“Ampon lang ako Carlsen, limang beses ako nagpapalit-palit nang mga magulang, meron na inabuso ako, meron din namang gnawa akong alipin nang sindikato at nung huli kong pamilya ang siyang nagbigay sakin annag lahat lath ay kinuha din sakin dahil sa aksidente.” Maluha-luhang sabi ni Lance

“Wag ka nang umiyak tol, ako na ngayon ang pamilya mo, hinding hindi kita iiwan tandaan mo yan” napangiti lang ang dalawa sa mga pangayayari.

“eh sino naman tong katabi nang papa mo?”

“Yan si Mr. Tan, Bestfriend ni papa, siya ang may-ari nang Tang Kuang Mu Group of Companies”

“Yan yung Ospital kung saan gusto ni Dennis magtrabaho.” Nakangiting sabi ni Lance.

“Sino si Dennis?”

“Bestfriend ko, yung taong hindi pa ako iniiwan” napangiti naman si Lance.

“Ah, naalala ko sabi ni Tito sa akin noon, kung kakailanganin ko ang tulong niya, kahit ano puntahan ko lang daw siya”

Mahimbing muli ang tulog nila noong gabing iyon.

10:00am

Nagising si Lance na wala si Carlsen sa tabi niya. Pero nakatangap siya nang text galing dito.
Di ko kayang hindi makita si mama bago siya umalis papuntang amerika, I will go to my own funeral. At babalik din ako agad, may sasakyan naman ako. Ingat ka diyan kambal magkikita pa tayo.

Agad naman siyang tinawagan ni Lance.

“Tol? Nasaan ka?”

“Umalis na ako tol nakita ako ni Kurt, yung bagong president, di naman niya siguro ako isusumbong pero…” naputol ang salita ni Carlsen at may narinig si Lance na putok nang baril.

“Carlsen ano ang nangyayari?”

“May nagpapaputok sa akin. Di ko kilala” kasalukuyang nasa bundok na bahagi ni si Carlsen nang may nagpaputok na mga tao mula sa likuran niya. “Lance making ka, kahit anong mangyari magpakatatag ka”

“anung gagawin ko?”

“Tawagan mo si Mr. Tan, merong private number sa likod nang litrato nila ni dadi yung pinakita ko kagabi, yun ang gamitin mo para ma contact siya.”

“okey, eh pano ka?”

“Basta Lance, kahit anung mangyari sakin ngayon, Promise me. Ipaghiganti mo ako, ata ng pamilya natin”

Hindi na makaimik si Lance sa kabilang linya, at patuloy parin ang putukan.

“Alalahanin mo Lance, mahal na mahal ka ni Kuya” at biglang amy narinig siyang nabindol na parang metal at narinig din niya na gumugulong ang sasakyan nang kapatid niya…

“Carlsen, andyan kapa? Ano ang nangyayari sayo?... magsalita ka naman?”

Nang biglang BOOOOOOOOOOOOM! May sumabog at naputol ang linya.

Di maipinta sa mukha ni Lance ang nangyayari, Hindi siya makapaniwala sa mga narinig, at nanlumo talaga siya sa sitwasyon.

“Ipaghihiganti kita Carlsen, Ipaghihiganti kita!” nasabi iyon ni Lance na may galit, kirot sa puso.

Tinawagan niya si Mr. Tan doon sa telephone number na nakalagay sa likod nang litrato.

“Hello Mr. Tan?”

“ Sino to? Pano mo nalaman ang number na ito?”

“Di na mahalaga yun, ang mahalaga magkita tayo!”

“Di kita kilala iho, pano ko masisiguro na hindi ka masamang tao?”

“Wag kang magalala tungkol ito sa mga Montenegro, so kakausapin mo naba ako?”

“meet me at my office tomorrow morning…” pinutol ito ni Lance.

“Di na po mapapabukas to, Pier 28, 1pm, tayong dalawa lang” at bigla niya itong binaba.

1:05pm

[Pier 28]

Papasok si Mr. Tan nang namukhaan niya ang nagiisang tao doon sa lugar.

“Carlsen?” sabi niya nang may pagkabigla.

“Di po ako si Carlsen, Patay na po si Carlsen, at alam kong may pumatay sa kanya”

“eh sino ka? Paano nagkaroon nang kaitsura si Carlsen?”

“Di ko din po alam, and I am going to find out… kailangan kop o nang tulong niyo”

“Anung maitutulong ko ijo?” alanganin na sagot nito

“Gawin niyo akong anak ninyo, at dun na akong magsisimulang maghiganti” pero makikita talaga sa mukha ni Lance ang determinasyon sa kanyang mungkahi.

“Kaya mo ba maging anak nang isang Caleb Uriel Tan?” tanong niya ulit an may halong pangamba.

“Para sa kapatid ko, gagawin ko talaga ang lahat para sa kanya.”

Makikita mo sa mukha ni Caleb na kombinsido na siya nang binata. “Ano ang gusto mong bagong pangalan ijo?”

“CLARENCE… Clarence Alexander Tan!”

_itutuloy_

PS. Salamat po talaga sa pagtangkilik sa mga gusto pong mag share nang feeling nila meron pong comment box sa ilalim nang page nato o pwede niyo rin akong e add sa Facebook! Thank you!

6/04/2012

Exchange of Hearts 2


Lahat nang lihim ay nabubunyag, lahat nang butas ay natatakpan, lahat nang humihinto ay dapat pa ring bumiyahe...

Chapter 2: Biyahe

12:00MN

“Looks like our plan has worked, Madame” sabi nang isang matipunong lalaki na naka suit na bisita din noong gabing iyon. Kausap niya ang isang babaeng naka red gown na may hawak na champagne glass.

“Wag kang kampante sa ngayon Lucio, hanggat hindi pa natin nakikita ang labi nang Carlsen Montenegro na yan” sabi nito nang pabalang. “Pero wala na siya sa ngayon at ako na ang magiging reyna nang Montenegro Group of Companies” sabi niya na may kasamang malakas na tawa.

[Carlsen]

9:20AM

Nagising nalang ako sa isang hindi pamilyar na kwarto, walang suot pang itaas at iba na ang suot pang ibaba. Inalala ko ang nangyari sa akin bago ako humantong sa ganitong kalagayan. May sumabog noon sa party, tumakbo kami nang nagligtas nang buhay ko, at tumalon sa ilog. Tumayo ako sa hinihigaan at lumabas nang kwarto, at saka bumaba sa sala nang bahay. Parang walang tao, wala siguro yung nagligtas sa akin.

Pumunta na lang ako nang kusina par makainom ang tubig, uhaw na uhaw na ako nang mga panahong ito. Kumukuha ako nang tubig sa dispenser nang makita ko ang mga litrato sa may refrigerator. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

“Ako to ah”

“kelan nangyari to?”

“Hindi ko kilala ang mga ito”

Tanong na paulitulit na bumagabag sa sarili ko, hindi ko sukat matandaan kung kelan nangyari ang mga litratong iyon.

“oh gising ka na pala?” may nagsalita sa likod ko na isang pamilyar na boses.

Nang lumingon ako hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, isang taong kamukha ko. Para kaming binyak na bato.

“It can’t be” sabi ko.

“di nga rin kapanipaniwala eh, pero lets face the fact na magkapareho tayo nang itsura.” He said.

“but how can this be? I don’t recall having a Brother or even having a Twin?” I insited.

“Hindi ko rin alam, at ang alam ko sa ngayon hindi natin pwedeng ipagkaila na magkapatid tayo, hindi ko alam kung papano o ano ang nangyari pero alam ko magkapatid tayo”

Bumagabag din ito sa sarili ko hinding hindi makapaniwala sa nakikita o naririnig ko, isa ba itong masamang panaginip o isang ilusyon na pwedeng takasan. Nang maalala ko si mommy.

“Can I borrow your Phone?” I said.

“Tatawagan mo ba mommy mo? Nasa Ospital siya ngayon.”

“What? Anong nangyari sa kanya?”

“Inatake sa puso nang nalaman niyang namatay ka na…” makikita ko sa mukha niya ang pagkadismaya na hindi ko maintindihan.

“E narito ako oh buhay na buhay ano bang pinagsasabi mo” galit kong kontradiksyon sa paratang niya.

“Alam mo naman siguro na may tumangkang pumatay sayo? Kaya pinalabas nila na patay ka na nga, may sunog silang katawan na iprinisenta kay mama mo. Nalaman ko sa kaibigan ko na nagtatrabaho noong gabi nang pagsabog e inatake ang mama mo sa puso at nagpasya sina tita Elenor mo na dalhin siya sa amerika para ipagamot pagkatapos nang libing mo sa makalawa”

Nanlumo ako sa narinig at napa-upo sa sofa nila, “Ilang araw na ba akong tulog?” tanong ko na patuloy ang tingin sa kawalan.

“Tatlong araw na, kung hindi ka pa nga nagigising kanina eh dadalhin na sana kita sa Ospital!” sabi nang lalaking kamukha ko. Pumunta siya sa kusina at may inihain. Habang ako ay nasa sofa parin at hindi umiimik. Binalikan niya ako sa may sala at pinatong yung pagkain sa harap ko.

“Kumain ka na muna tatlong araw ka nang hindi kumakain kailangan mo pa naman nang resistensya” tiningnan ko lang siya at nginitian. Nang inabot niya ang kamay niya “Lance… Lance Mercado.” Nagpakilala siya sa akin at naramdaman ko ang matinding lukso nang dugo, hindi ko maipagkakaila na magkapatid kaming dalawa.

10:00am

-Montenegro Group of Companies, Board Room-

Lahat nang board of trustees nang companya ay nandoon para sa isang board meeting na ipinatawag ni Criselda.

“As we all know, Carlsen was the only heir of my abducted brother, Felix, and with his loss the company and all its assets have a fallen pilar. And Luisa is now suffering in Major Depression dahil sa nangyari, so as the immediate relative, I am willing to take over my nephew as the president and CEO of Montenegro Companies.”
Sabi ni Criselda na parang nanalo sa Lotto ang ngiti at hindi naluksa sa pagkamatay nang pamangkin.

“Hold your horses Criselda, hindi ganoon kadali yang pinagsasabi mo” pag interrupt ni Mr. Trinidad. Tumayo ito at nagpatuloy nang pagsasalita. “As we all know ako ang Major stockholder nang companying ito, I now own 40% of the company, and I as head of the board of trustees do not want you as CEO of this company…” Nagpaikotikot siya sa loob nang board room at makikita mo sa mukha ni Criselda ang galit at poot. “… you are not fit for the position, and anyone from the board who agrees with me please raise your hands” at agad na nagtaas nang kamay ang halos lahat nang tao doon, at mas namula sa galit si Criselda.

Bigla namang nagbukas ang pintuan nang boardroom “Ah, at dumating na ang bagong hahalili sa yumao nating presidente… Criselda I want you to meet mi Unico Hijo Kurt Oliver Trinidad” at napatingin ang lahat sa matipunong lalaki na pumasok sa pintuan nang kwarto, pormadong-pormado ito nara matching tux and pants na talagang nagpatikas pa nang kanyang dating, medyo chinito ang kanyang mata pero di nahahalata dahil sa kanyang glasses na sinusuot. Aminado ang lahat na nandoon na gwapo at malakas ang dating nang batang iyon maliban kay “… Criselda, siya ang papalit kay Carlsen habang nagpapagaling si Luisa, at yun ang desisyon ko, sino ang sumasang-ayon sa akin?” at lahat nang kamay sa board room ay nagsitaasan. Di na nakayanan ni Criselda ang mga nangyayari at umalis nang board room nang walang paalam.

[Lance]

07:00pm

“Marami pala tayong pagkatulad, tol! Pero bakit parang ang seryoso mo?” ngayon lang kami nagkilala nang kakambal ko pero parang matagal na panahon kaming magkasama, ang pinagkaiba lang siya namuhay nang marangya samantalang ako naman ay namuhay sa kahirapan.
“Lance, gusto pa kitang makilala nang lubos at gusto kong malaman kung bakit tayo nagkalayo… mapapahiram mo ba ako nang pera?” tanong niya sa akin.

“aanhin mo ang pera tol?”

“Isa lang ang lugar na ligtas tayong dalawa sa Villa Montenegro, kailangan kong makausap si Yaya Glorya.” At parang dismayado ang mukha niya sa kanyang binanggit.

Tinabihan ko siya at inakbayan, “Wag kang mag-alala pupuntahan natin ang Villa Montenegro sa lalong madaling panahon” ngumiti siya sa akin at ako naman ay napayakap sa akin.

Umalis kami nang bahay noong mga Oras na iyon.

10:00 pm

“Hindi ako papayag na isang baguhang enhinyero ang papalit sa pwestong matagal ko nang inaasam!” galit na sigaw ni Criselda habang binabato ang wine glass na hawak niya.

“Wag kang mag alala Criselda, matutulungan kitang kunin muli ang pwesto, magtiwala ka lang sa akin” sabi anng isang lalaking nakaupo sa lkikod nang desk nang kuya Felix niya sa Mansyon.

“Kelan? Ngayon na nakahanap na ako nang paakakataon dahil namatay ang bastardo kong pamangkin ngayon pa mawawala sa kamay ko ahng kapangyarihan?”

“Huminahon ka, may plano na ako!”

“Ano? Baka bulilyaso na naman ulit yan?”

“Ibabagsak natin ang Montenegro Group of Companies, habang unti-unti nating nanakawin ang pera nito, at kung bagsak na gagawin ka din nilang CEO at hahatid natin ulit ito sa Global market, oh diba. It’s just like hitting two birds with one stone”

“hahahahaha, brilliant idea, maasahan talaga kita” at tinawa lang nito ang nararamdaman buong gabi.

Lingid sa kaalaman ni Criselda ay bumabyahe na papuntang Villa Montenegro ang nooy inaakala niyang patay na pamangkin.

8:30 am
[Lance]

Last trip nung bus papuntang Isabela ang sinakyan namin kagabi at umaga na nang dumating kami sa Villa Montenegro. Pumasok kami sa ibang lagusan, isang kweba na tanging mga Montenegro lang ang may alam.

“Ito yung Escape tunnel na ginawa nang ama ko noon kasama nung bestfriend niya, tinuruan niya ako kung paano makalabas at paano makapasok nang walang may nakakaalam.”

Ilang butas pa ang pinasok namin at nakapasok kami sa isang kwarto na parang bahay ko na kalaki. Dumaan kami sa sahig nito.

“Dito ka lang muna at hahanapin ko si Yaya Glorya. Nang lumabas si Calrsen nang kwarto papunta nang kabilang kwarto si Yaya Glorya na may dalang tray nang Juice, nang makita niya si Carlsen ay nabitawan niya ang tray at napanganga sa nakita.

“Ya, ako to si Carlsen!” sabi niya at agad namang napayakap si Yaya Glorya kay Carlsen. “Nako Hijo salamat sa Diyos at buhay ka, salamat sa puong maykapal at hindi ikaw yung inaakala naming patay na.”

“May nagligtas po nang buhay ko at gusto ko po siyang ipakilala sa inyo” at dinala niya si Yaya Glorya sa kwarto.

Nakaupo ako noon nang makita ako nang matandang babae ay napa nganga lang ito na parang nakakita nang multo, matagal din kaming nagtitigan nang tumayo ako dahil hindi na ako mapakali sa titig niya.

“Yaya, ito po pala si…”

“CLARENCE!”

_Abangan_